Battle 7
Rainne’s POV
It has been 3 days since that Kaizer invaded my mind. I mean, waaaaaa tatlong araw na ang nakalilipas mula nung pumunta kami sa bahay nila. At fudge hanggang ngayon, di ko pa rin maalis yung mga sinabi niya sakin. Alam kong joke lang yun pero grabe ang impact nun sakin. Biglang lumakas tibok ng puso ko. Parang nagkakarerahan. Mygod!
“Uy ulan. Anong nangyari sayo? Kanina ka pa jan tulala ah”
Halata naman kung sino yung nagsalita diba? Si Ulap, oo. Syet na lalaking to. Akala ko ba bestfriends kami? Bat wala siyang paki dun sa kinuwento ko sakanya nung nangyari yung insidenteng yun. Diba dapat as bestfriend, mag-a-advice siya?! Ibang klase to. Pakakwento ko kasi sakanya nun, tiningnan niya lang ako ng diretso sa mata habang naka poker face.
“Wala, wala. Iniisip ko lang kung bakit nangkaroon ako ng bestfrend kuno na walang kwenta”
“Hoy Ulan! Nakakasakit ka na ng damdamin ah! Wala ka na ngang oras sakin. Ako dapat ang Magtatampo dapat. Tss”
Minsan talaga di ko maintindihan ugali nito. Talo pang babaeng pini-PMS. Minsan ang sungit niya (I mean madalas) minsan naman, childish, minsan seryoso. Mood swings, ganun?
“Ah ewan ko sayo!”
Nandito kami sa mall. Niyaya niya ako, sabado naman ngayon so free day namin.
“Hoy Ulan saglit!” Dinig kong tawag niya. Pero di ko siya pinansin. Dumiretso ako sa McDo, wala eh nagutom ako kakalakad.
Pero teka. Si Kaizer yun ah? Waaaaah. Sino yung kasama niyang babae? At mukhang Masaya pa sila? Di ko maaninag mukha nung babae kasi nakatalikod siya saakin. Nakaupo sila sa upuan malamang, nakatalikod sakin yung babaeng kasama niya. Pero kitang kitako dito si Kaizer na masayang Masaya.
Hindi ko alam kung bakit, pero nalungkot ako. Oo nga pala, friendly siya. Habulin ng babae. Sino ba naman ako para pansinin niya diba? Sadyang close lang talaga parents namin kaya niya ako pinansin nung pumuinta kami sa bahay nila.
Oo aaminin ko. Crush ko na siya. Crush lang naman. Alam kong maiiwasan ko pa to.
Cloud’s POV
“Hoy Ulan saglit!” Sigaw ko ki Ulan. Aba, bastusing bata. DI man lang tumigil o lumingon. Tsk
Hinabol ko nalang siya. Pumunta siya a… McDo? Aww nagutom ata si Ulan ko. Libre ko nalang siya. Nang makalapit ako sakanya, nakita kong lumungkot mukha niya. Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan niya.
Siya yung lalaki dati sa canteen ah? Bat ganun na lang makatingin si Ulan dun? Crush niya siguro. Pero mukhang may girlfriend na eh. Kawawa naman si Ulan.
“Haaaay! Nagutom ako Ulan. Kain tayo? Hahaha” Lumapit na ako sakanya at kinausap siya. Para naman wag na siyang malungkot.
“Ah. Ano, l-libre mo ha? Galit ako sayo eh kaya dapat ilibre mo ako” Sagot niya saakin sabay pilit ng ngiti.
“Upo ka na muna jan. Ano gusto mo?” Ako nalang oorder. Gentleman kasi ako.
BINABASA MO ANG
Battle for Love
RandomSino ang pipiliin mo? Ang taong gusto mo na gusto ka rin, pero niloko ka. O yung taong dinamayan ka sa oras na walang wala ka? It's hard to decide. It's hard to choose. This is the story of how my battle started. -Lorainne Alvarro