Elmo Magalona as Matt
Pic of matt ----->
...
"Ugh!" Eto nanaman, babangon nanaman ng maaga kasi pasukan nanaman. Nakakasawa din pumasok ah, akala ko pa naman mapapahinga na ako pagka-graduate ko ng high school tapos ngayon mag-cocollege na ako! Umupo ako sa kama ng mapansin kong tulog pa rin ang katabi ko.
"Papay! Gising na! Papay, papay! ...Kuya Nuel! HOY SABING GISING NA EH! ... ayaw mo ha!" Kinuha ko ang pang-spray ng tubig na nakapatong sa side table, at winisikan ko sa mukha ang natutulog kong katabi.
"Oy ano ba yan pangsoy!" sigaw ni Kuya Nuel.
Emmanuele Ponce, Nuel for short, siya ang bestfriend-slash- tatay-tatayan kong tulog mantika. Matagal na rin kaming magkaibigan, simula pa noong seven years-old ako.
...*flashback*
Umiiyak akong umupo sa tapat ng bahay namin, kakamatay lang kasi ng parents ko dahil sa isang car accident, out of nowhere biglang lumapit sa akin noon yung batang nakakalaro ko na nakitira doon sa malaking bahay (define malaki) tatlong street mula sa amin ang layo, at tinitigan ako, matagal-tagal din yung pagtitig na ginawa niya kaya medyo naiirita na ako kaya tinanong ko siya kung ano bang problema niya.
"None, eh ikaw, why are you crying?" sagot niya sa aking tanong.
"Wala na sila... wala na akong mommy, wala na akong daddy... kami na lang ng kuya ko!" hagulgol ko.
"I'm sorry... uhmmm...Gusto mo ako na lang ang maging bagong Daddy mo?" tanong niya sakin. (Naks Englishero talga ang mokong)
Medyo tumahan na ako at tinitigan ko siya , "Pwede ba yon? Bata ka pa eh, at tsaka mas matangkad ka nga lang sakin ng konti eh."
"Don't you want that? Medyo mababawasan yang lungkot na nararamdaman mo, di ko mapapalitan daddy mo sa buhay mo, pero ung presence man lang..." sagot niya sakin.
"Uhmm, ilang taon ka na ba? at tsaka paano mo ako iproprotect at pakakainin? May work ka na ba, alam mo ba ung daddy ko, may work yun... dati!" sabi ko.
"I'm already ten years old, at tsaka kahit bata pa ako kaya kitang iprotect noh. Kaso, wala pa akong work eh, but do I really need to feed you? Mukhang diyan tayo magkakaproblema ah.. Siguro wag na lang kaya.." sabi nia kasabay ng kaniyang pagtalikod at akmang pag-alis.
"Ui, wag kang umalis!... Di mo na ako siguro kelangan pakainin, nandyan naman ung kuya ko eh." Sabi ko habang hatak-hatak ang damit niya.
Nangiti siya at sinabing, "Sige! from now on ako na ang bago mong daddy! Pero ampanget naman kung daddy ang tawag mo sa akin, magmumukha akong matanda ...kaya itatawag mo na sa akin ngayon ay... uhmmm... Papay! Tama! at itatawag ko naman sayo ay... Pangsoy!"
"Bakit Pangsoy? Parang panghe lang, ambaho pakinggan!" sambit ko.
"Ano ka ba! Pangsoy stands for panganay and bunsoy, kasi ikaw lang ang only child ko! Take it or leave it"
"Sige na nga!" patawa-tawa kong sinabi.
Simula noon he kept his promise to protect me (oo, sa halos sampung taon na makasama mo ang english-speaking ewan ko lang kung di ka matutong mag-english), lumipat pa nga siya sa school ko noong elementary just to make sure that he would always be around when I need him. Mayaman ang kaniyang pamilya at maraming negosyo kaya kapag gipit ang older brother ko, humihingi si Papay ng tulong sa kaniyang mga magulang. Wala rin namang problema doon ang kaniyang mga magulang, dahil napalapit na rin sila sa amin ng kapatid ko at dahil alam rin nila na ni minsan ay hindi namin pinagsamantalahan ang kabutihang pinapakita nila.