not edited so expect typos, wrong grammars, wrong spelling and so on.Parang connected po ito sa nauna skl. Baka mapansin niyo lang
************
"Good morning ma'am!""Good morning"
"Ma'am 'wag ka ng magklase"
"Sige na ma'am"
Ngumiti lang ako sa kanila.
"Attendance please"agad naman nilang ibinigay ito. Napakunot ang noo ko."Bakit absent si Ms. Zhoe Lucas?"
"Confined daw ma'am. Over fatigue ata"
"Dengue raw teh"
"Ay ganun, dengue raw ma'am"
"Is that so? Good morning again" I said then flashed my smile.
"Ma'am 'wag ka raw ngumiti na iinlove si Plaza!" Sigaw nung isa.
"Uy gago!"
"Ma'am 'wag ka maniwala jan. Nag jojoke lang yan!" Segunda naman ni Plaza.
"Our topic for today is German epic. But since ayaw niyo mag klase at dahil mabait ako ay bukas na lang"
"thank you ma'am!!!"
"Yes!"
"Pero dahil wala naman kayong gagawin ay magkwekwento ako sa inyo at huhulaan niyo kung anong klaseng story ba ito. Romance, teen fiction and etc. ano game?" Tanong ko sa kanila
"Sige lang ma'am"
"Pero bago ako mag simula ay may tanong lang ako" sabi ko bago tumingin kay Plaza.
"Mr. Plaza, ano ang love para sayo" Tanong ko rito.
Kahit maloko si Plaza, siya ang pinakamatalino sa kanilang lahat. Sumeryoso ang mukha niya sa tanong ko."Love is an affection. Naniniwala ako na kapag mahal mo ipaglaban mo. Love is a sacrifice. Love is there, love is here in short love is everywhere. Kaya nga love kita ma'am"
"Smooth!"
"Mais tol!"
"Mamatay ka na!"
"Ul*l"
"Quiet!" Agad naman silang tumahimik.
"Ang bata mo pa Plaza. Makakahanap ka pa ng para sayo" sabi ko rito at ngumiti sa kanya.
"Ma'am 'di ko na kailangan pang maghanap. Kasi nahanap ko na siya, nasa harap ko pa nga"
"Lakas maka banat tol"
"Walang forever"
Napuno ng halakhak ang buong room. Tinignan ko siya sa mata. siya lang ang nanatiling seryoso habang nag-iingay silang lahat.
"Okay enough. Start na tayo sa story telling"sabi ko sa kanila. Agad silang umayos ng upo para makinig.
"May dalawang magkasintahan, they were both young. A highschool student. A fourteen years old girl and a fifteen years old boy. Isang taon at tatlong buwan na sila. " huminto ako para tignan kung nakikinig sila. Napangiti ako ng makita kong lahat sila ay nagkainteres sa kwento ko. Even the president of this class,the serious one,I guess I really caught their attention.
"Wow ang tagal na nila" kumento ng isang babeng estudyante ko.
"Kung tutuusin ay ang bata pa nila para sa isang seryosong relasyon yet they were so in love given the fact na ldr sila. You see that, ang hirap ng ldr pero nagtagal sila. They are happy and contended. Kontento na sila sa isa't isa. Marami na rin silang napagdaanan at nalalagpasan nila ito ng mag kasama. Nag aaway pero nagbabati agad.Perfect relationship right?"
