Prolouge: The Past

11 1 0
                                    

ROME'S POV

May 2006, Bicol

"Led!" tawag ko sa binatang paparating. "Led!" sigaw ko uli bago tumakbo papunta sa kanya.

"Lllleeeedddd!"

"I miss you, too," tatawa-tawang sabi niya nang makalapit na ako. Agad ko naman siyang niyakap nang napakahigpit. 

"Whoa! Hindi mo naman ako miss na miss sa lagay na 'to ha?" biro niya pero niyakap din niya ako pabalik. Nagtatalon agad ang puso ko sa kilig.

"Anong ginawa mo sa Maynila?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa loob ng mansyon. Kahit naman anak si Led ng aming mayordoma ay hindi siya naiiba sa akin. 

"Ah, may inasikaso lang akong importanteng bagay."

"Ganoon ba?" hinila ko na siya papunta sa kusina. " Halika, kumain na tayo. I know that you're hungry kaya ipinagluto kita kay Nanay Marsela ng paborito mong sinigang na baboy.

"Hindi mo na sana ginawa 'yun. Nakakahiya kina Ma'am at Sir."

"Sus, ano ka ba? Hindi ka pa nasanay, eh, palagi namang ganito, ah?"

"Hmm... Sige na nga."

Hindi ko na napigilang tumawa. Alam ko namang hindi siya makakahindi sa paborito niya.

"Nasaan pala si Inay?" tanong niya habang kumukuha ng pagkain.

"Ah, pumunta saglit sa palengke. May ipinagbili si Mommy. Darating din yun mamaya."

Tumango lang siya at nagsimula ng kumain. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya. Ang gwapo talaga niya. Kahit na hindi pangmodel ang kanyang katawan ay hindi mo maiwasang humanga sa kanya. Matangos ang ilong, medyo kulay mocha ang balat, at ang mata niya --- hay --- ang ganda talaga ng mata niya. So expressive... siguro sa tatay niya nakuha ang lahat ng ito. Dagdagan pa ng magandang personality, swak na swak na itong maging crush. Oo inaamin ko may pagtingin ako sa kababata ko pero sekreto lang natin 'yun ha?

"Oh, bakit ganyan ka kung makatingin?"

She just smiled sweetly at him. "Wala lang. Ang sarap mo kasing titigan."

Agad namang namula ang tenga niya. Isa iyon sa gusto ko kapag inaasar ko siya.

"Tumigil ka nga diyan," iniligpit kaagad niya ang pinagkainan. Tatawa- tawa na lamang ako sa likod niya

"Sina Sir pala, nasaan?"

"Ayun inaasikaso ang mga kakailanganin sa sixteenth birthday ko bukas. Ewan ko nga ba kung bakit hindi simpleng handaan na lang ang gagawin. May pasweet sixteen pa silang nalalaman."

"Magpasalamat ka na lang dahil hindi ng babae ay mararanasan ang ibibigay ng mga magulang mo sa'yo."

"Amen. Ikaw na Kuya."

Sumimangot kaagad siya. Ayaw kasi niyang magpatawag ng 'Kuya'. Katwiran niya ay six years lang naman ang gap nila at close pa sila kaya hindi na daw kailangan.

"Syanga pala, anong importanteng bagay ba ang inasikaso mo at napasugod ka sa Maynila nung isang araw."

"Wala. Hindi mo na kailangang malaman."

Bago pa man ako makapagtanong uli ay dumating na si Nanay Marsela, ang ina ni Led. Nagmano kami ni Led dito.

"Oh, anak, ikaw na pala 'yan. Akala ko ba ay ngayong hapon pa ang dating mo?"

"Ah, hindi naman po naging matagal ang pakay ko."

Medyo nailang si Nanay Marsela sa sagot na iyon ni Led pero hindi na lang ako nagtanong pa. Sa pagitan na lang nilang mag- ina yun.

"Led, anak, may gusto nga palang sabihin sa'yo sina Ma'am at ni Sir. Nandoon sila ngayon sa library."

"Tungkol saan po?" tanong ni Led.

"Hindi ko rin alam. Puntahan mo na lang sila?" at pumunta na ito sa kusina.

Kahit puno man ng pagtataka ay sumunod na lang siya.

"Gusto mo samahan kita?" tanong ko.

"Huwag na. Sa entertainment room ka na lang, di ba ngayon 'yung paboritong palabas natin? Manood ka na lang muna, babalik din ako agad."

"Okay, hihintayin kita. May sasabihin rin pala ako sa'yo mamaya kaya hihintayin talaga kita."

Walang hiya na kung walang hiya basta masabi ko lang ang gusto kong malaman niya. Feeling ko kasi parang may hindi magandang mangyayari. Ewan ko ba, feelingera pa naman ako. Basta! Maghihintay ako.


ROME'S POV

Present day, Manila

Hinintay ko siya nang matagal noon ngunit walang Led na dumating. Nalaman ko na lang kinabukasan mula sa aking mga magulang na umalis na siya kasama ni Nanay Marsela nang umaga ring iyon. Tinanong ko sina Mommy at Daddy kung saan pumunta si Led at bakit ito umalis ngunit hindi raw nila alam kung nasaan ito at kung bakit ito umalis at si Nanay.

Sobra akong nasaktan ng dahil doon ngunit hindi naman iyon naging hadlang upang tumigil na ako sa aking paghihintay kay Led. Martir na kung martir pero alam kong babalik si Led at alam kong malapit na ang araw na iyon.

Sana...

Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon