Hi! Pasensya po if medyo matagal- tagal rin akong hindi nakapag-update:( Almost two years actually;) Nagkawriter's block lang naman. Haisst!
Sana po magustuhan nyo ang mga susunod na chapters:)
----------------------------------------------ROME'S POV
"Are you freaking kidding me?!" sigaw ko kay Gemma na kausap ko ngayon sa cellphone. Oh, I haven't mentioned it yet, si Gemma nga pala ang pinakamatalik kong kaibigan. I met her when I was attending university. We both took up business ad. And to make the long story short, our vibes clicked and there you go.
"Alam mong ayoko sa mga blind date na 'yan, Gem. Mas malala ka pa kaysa kay Mommy eh."
"Whatever! Like duh! Kailangan ring magkaroon ng kulay ang buhay mo ineng. Go out and put your hands in the air like you don't care! Yeboi!"
I just sighed. Umaandar na naman ang pagiging weird niya. "Gem, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Alam mong wala akong oras sa ganyan. I still have to run Dad's company."
"Ang sabihin mo hindi ka pa nakakaget over sa Led na yun."
"Well..." Totoo naman. Even though he hurt me big time, kahit kailan ay hindi nawala si Led sa puso ko. Oo at may tampo ako sa kanya pero alam ko naman kasi na hindi yun gagawin ni Led kung wala siyang mabigat na dagilan. Alam ko, nagmumukha na akong tanga. Believe me I tried to move on pero kahit anong gawin ko hindi na talaga magbabago ang tibok ng puso ko. Ayon nga kay Selena Gomez, "The heart wants what it wants."
"... C'mon Rome. What? It's been like eight years. You have to move on. Gusto mo ba talagang tumandang dalaga?"
"Nine years actually. And of course not. Ayokong tumandang dalaga pero---"
"Then pupunta ako sa condo mo by six at tutulungan kitang mag-ayos. OMG! I'm so excited for you, Rome! I'm sure makakapagmove on ka na rin 'coz I made sure na major major ang kadate mo ngayon! Promise, this one is not like your previous blind dates. Have to go. Bye!"
"Wait! Gemma Forteza!" pero busy tone na lng ang narinig ko. Haaayy! Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit palagi ko na lang siyang itinotolerate. Sino na naman kaya ang lalaki? I really hope na hindi na naman isang gago ang isinet up sa'kin ni Gemma. Kung hindi, nakuuuu! Lagot talaga siya sa akin.
I just sighed. Tiningnan ko ang loob ng opisina ko. I now owned Dad's company in Manila. Nagmamanufacture kami ng iba't ibang produkto galing sa niyog. Minsan umuuwi ako sa Bicol para isupervise ang coconut plantation namin doon at para na rin bumisita sa parents ko.
Knock knock
"Come in."
"Ma'am nandito na po sina Mr. Kirigawa. Handa na din po ang lahat sa conference room," sabi ng secretary kong si Lyra.
"Sige, pupunta na ako. Thank you. You may go now Lyra."
Yosh! Time to go back to reality.
"Do I really have to do this?" nakasimangot kong tanong kay Gemma. Nandito kami ngayon sa condo ko kung saan tinutulungan niya akog mag-ayos para sa blind date.
"Uh yeeaahh! Huwag mo namang sayangin ang effort ko dear," sagot naman niya. "Huwag mo ring sayangin ang ganda mo sa Led na yun, okay? There are so many fishes in the ocean, Rome."
"Okay. Gagawin ko ito but this will be the last time, Gem. I don't want to lead on somebody again."
She sighed. "Fine. But promise me na magbibigay ka ng effort to get to know this guy, okay?"
"Yes Mom," nakangising sagot ko. "Eh, sino ba ang lalaking isinet up mo? Bakit sure na sure kang magugustuhan ko sya?"
"Haller! Kaya nga tinatawag na blind date 'di ba? Dapat hindi mo alam kung sino ang kadate mo," sagot niya habang iniistyle niya ang buhok ko.
"I know. Hindi naman yun ang ibig sabihin ko. Gusto ko lang naman ng hint."
"Oh. Okay. So isa siyang kabarkada ng Kuya Erwin ko. He's on pharmaceutical business by the way. Yun lang."
"Wow! Bigatin pala siya. Eh, paano ko naman siya makikilala niyan?"
"Basta. Nagpareserve na ako sa Olive's. All you need to do is to show up and enjoy the night," sagot niya. "Okay. Finish!"
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Iba talaga ang styling powers ni Gemma. Pero hindi ko naman ito gusto
"OMG! Ewan ko lang if hindi pa siya mahuhulog sa ganda mong yan, Rome."
"Ang OA mo talaga, Gem."
"At pahumble ka naman. Tara na nga at baka malate ka pa."
At pumunta na ako sa Olive's which is my favorite restaurant by the way. I don't know, but I really have a bad feeling about this. Ewan ko ba, pero parang may hindi magandang mangyayari ngayon.
Rome, Rome, Rome. You're overthinking again. This is your one shot for love. Tama si Gemma. You really need to move on. Kung babalik si Led, eh 'di kayo. But for now, hayaan mo muna ang sarili mong mag-explore for other options, okay?
I sighed. Okay. I'll do this. Nandito pa rin ako sa parking lot. Kumukuha ako ng lakas ng loob.
One, two, three... Yosh! Let's get this done and over with.
Sinalubong ako ng maitre'd. "Good evening Ma'am Rome. Mabuti po at nakabalik kayo rito. The usual po?"
"Ano ka ba Sab, di ba sabi ko na huwag mo na akong tawagin na Ma'am? Rome na lang. Hindi naman magkalayo ang edad natin. And no, may ipinareserve na table si Gemma kaya doon ako ngayon."
"Ah yung ipinareserve ni Ms. Forteza. Okay, please follow me Ma'am." At naglakad na siya palayo. Napailing na lang na sumunod ako sa kanya. Napunta kami sa isang table malapit sa parteng nakaharap sa fountain sa back patio ng restaurant. Naging romantic tuloy ang dating ng lugar.
"Oorder na po kayo Ma'am?" tanong ni Sab sa'kin.
"Mamaya na. May hinihintay pa kasi ako."
"Okay. Please call the waiter if you'll order."
Umalis na si Sab. Inilibot ko ang tingin sa loob ng restaurant. May mga kumakaing pamilya pero kaunti lang. Karamihan ay mga mag-asawa o di kaya'y mga magkasintahan. A couple caught my attention. Sinusubuan ng matandang lalaki ang kasama niyang matandang babae. Kung hindi ako nagkakamali, nasa sisenta y anyos ang mga edad nila pero kahit na ganoon ay nakikita ko na mahal pa rin nila ang isa't isa. Nginitian ko sila nang tumingin sila sa direksyon ko. Pero nawala rin ang ngiting iyon nang makita ko kung sino ang nasa katapat na mesa. It had been years since she last saw him but she could never mistake that smile and the familiar feeling that one simple smile could elicit.
Led...