Chapter 1

49 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Library ng school dahil tapos na ang last subject ko. Sa library talaga ako pumupunta pagkatapos ng klase ko dahil gusto ko sa tahimik na lugar. Halos isang oras na akong nasa loob ng library nang maalala ko na magkikita pala kami ni Sigfrid sa cafeteria. Dali dali akong lumabas at i-dinial ang number ni sig.

Dialing Sigfrids number

"Im on my way riri just wait for me at the Coffee Shop"

"Akala ko ba sa Cafeteria? Aish Okay okay" Ang gulo naman ng babaeng to paiba iba ng isip. Saktong bumukas ang elevator at sumakay na ako. Pinindot ko ang UG at mabilis na naglakad palabas ng school. Buti nalang at may malapit na café dito sa school.

Pagdating ko sa Morning Cafe ay agad akong umorder ng kape at isang cheesecake

"One Frappuccino and one chessecake" nakangiting sabi ko

"I repeat your order 1 Frappuccino and 1 cheesecake" pag uulit ni ate girl sa order ko

"450 pesos nalang po maam" sabi nya at inabot ko ang 500 pesos "I receive 500 pesos, change po 50 pesos Thank you"

"Name niyo po maam?"

"Its Hikari" sabi ko atsaka naglakad papunta sa couch dala yung cheesecake ko

Habang inaantay si sig ay sumubo ako ng cheesecake at nag lagay ng earphone sa dalawang tenga ko at pina tugtog ko ang paborito kong kanta ng Eraserheads na With a smile at nilagay ko ito sa maximum volume. Inilibot ko ang mga mata ko sa palagid buti nalang at hindi masyadong madaming tao. Maganda ang ambiance dito sa coffee shop kaya okay lang na pag antayin ako ni sigfrid. Instagrammable din itong coffeeshop na ito dahil maraming cute na bagay na naka display dito. Kinuha ko ang cellphone ko atsaka nag take ng pictures.

"IM NOT A COFFEE ADDICT JUST A LITTLE OVER ATTACHED TO IT" mahinang basa ko sa nakasabit sa wall na frame quotation at sumubo ulit ng cheesecake.

FLASHBACK

Bitbit ko ang damit na regalo saakin ni daddy nung 7th birthday ko at pumunta ako sa harap ng malaking salamin dito sa kwarto ko. Dali-dali ko itong isinuot ang dress at pinagmasdan ko ang sarili ko. Kulay pink at may mga ruffles din na design ito. Masigla akong naglakad papunta sa kwarto nila daddy at mommy para ipakita sa kanila ang dress na suot ko. Papasok na sana ako sa kwarto nila daddy nung may bigla akong narinig na sigawan at umiiyak. Nagulat ako nang makita ko na umiiyak si mommy. Napatingin din ako sa crib ni baby yuri na mahimbing na natutulog.

"I-Ilang beses na kitang P-pinatawad pero inulit mo nanaman" mas lalong lumakas ang iyak ni mommy

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala lang yun?"

"Wala lang? nag hahalikan kayo tapos wala lang?"

"Pagod na pagod na ako sayo Elizabeth! Mag hiwalay na tayo!"

"Mas mabuti pa nga kung mag hiwalay na tayo pagod na pagod na ako sayo Eiji!" 

Nag palipat-lipat ang tingin kanila Mommy at Daddy.

"D-addy, bakit po kayo nag aaway ni Mommy?" Umiiyak ako habang tinitignan sila mommy at daddy. Gulat silang napatingin saaakin dahil hindi nila inaasahan na narinig ko ang pag-aaway nila. Alam kong may mali dahil ngayon ko lang sila nakita na nag away ng ganito.

"No baby stop crying were not fighting" sabi ni daddy saakin habang pina-pat ang ulo ko. At pinaupo naman ako sa lap niya. "Why are still awake my baby?" sabi ni mommy dali dali naman akong tumayo at humarap sa kanila. Umikot ikot pa ako para ipakita sa kanila yung suot kong dress na regalo ni daddy.

My Husband is a Coffee AddictWhere stories live. Discover now