Cafeteria's Tables

49 3 0
                                    

Liam's photo above

Peirce's POV

"To get x. You should transpose...."

Nagpapatuloy ako sa pagsusulat. Lahat ng lumalabas sa bibig ni sir sinusulat ko rin. Para maalala ko kung paano makuha ang sagot.

"Pierce!" Tawag sa akin ni sir.

Unti unti akong tumingala upang tingnan si sir. Nagsmile pa para bongga.

"Mukhang nakikinig ka naman." Sabi nito "Ipakita mo nga sa mga classmates mo bakit naging 3 ang value ng x."

Lumapit ako sa blackboard, pawis na pawis ang bawat singit ng katawan ko.

Nahihilo ako sa mga nakasulat sa black board kaya nanginginig ang mga kamay ko.

"Speak up." Kinabahan ako ng lalo ng pinapamadali ako ng guro namin.

Hala pano nga 'to?

Napakamot ako sa aking ulo, inaalala kung paano nga nakuha ni sir ang sagot.

"Sir!" Biglang may pumukaw sa atensyon ng lahat. Tumalikod ako upanag malaman kung sino 'yon at nakitang nakatayo si Kaizer.

"Bakit Kaizer?" Tanong ng guro namin. "Is there something wrong?"

"Hindi maansweran yan ni Peirce." Maangas na pangungutya nito sakin.

Pinapahiya mo ba ako?

Tinititigan ako ng nakakaloko ni Kaizer.

"Dahil hindi 3 ang value ng x, kundi 6."

Nalaglag ang panga ko ng lumapit si sir, at inulit lahat ng isinulat niya sa black board.

"Oo. Tama ka Kaizer. Napagaling na bata." Papuri ng guro namin kay Kaizer.

Kaizer the Deliquent. Wow.

I mouthed thank you to Kaizer.

I owe him big time. Ilang beses na niya ako niligtas.

Nagpatuloy sa pag lecture si sir. Hanggang maubos na ang oras at break time na namin.

Nagmamadaling lumabas ang lahat maliban sa amin ni Kaizer.

Lumapit ako kay Kaizer nang maramdamang wala ng ibang estudyante sa loob ng classroom.

"S-salamat nanaman Kaizer."

"Bakit ka ba nagpapasalamat? Hindi naman kita tinulongan?" Nakakunot noo nitong pagtanggi.

"Bakit ba napakasungit mo pagdating sa akin?" Tanong ko rito. Lagi nalang kasi itong galit pag ako ang kaharap.

"Sa tingin mo ba sayo lang ako nag susungit?" Di makapaniwala nitong sagot.

"Oo!"

Tulong! Kakainin ako ng buhay ng buwaya.

"Hindi ako galit sayo. Ayoko lang sa ibang tao." Ngumiwi ito. "Kung tapos ka na. Umalis ka na sa dinadaanan ko."

"S-sandali." Hinigpitan ko ang paghawak sa braso nito. "Pasensya ka na."

"Next time. Don't think full of yourself," tinggal niya ang pag kakahawak ko sa kaniya. "Hindi lahat ng bagay tungkol sayo."

Umalis na siya at iniwan ako.

"Hindi lahat ng bagay tungkol sayo." Inulit ko ang sinabi nito sa akin.

I was just trying to say na naappreciate ko yung ginawa niya. Why did he insult me?

Lumabas ako ng classroom na lutang. My stomache is empty and so is my mind.

Detention (bxb) [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon