"The Lord will fight for you, and all you have to do is keep still."
Exodus 14:14 GNTAlam n'yo ba 'yong kasabihan na, "Let Go and Let God"? Kasi kung hindi pa, ngayon alam n'yo na. Ano naman ang pumapasok sa isip n'yo habang binabasa 'yan? Pero sa kabila niyan, paano nga ba natin isasabuhay ang maikling kasabihan na 'yan?
Ang buhay ng tao ay puno ng masalimuot na mga karanasan. Minsan feeling natin tayo ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil sa yaman, karangalan at kumpletong pamilyang tinatamasa natin. Kapag nararamdaman natin ang pangyayaring ito parang wala ng problema pang darating. Lahat mukhang perpekto na sa kalagayan nila. Lahat ayos na at masasabi mo na lang wala ng mahihiling pa, lovelife na lang (s'yempre biro lang). Minsan sa sobrang biyaya ng Diyos nakakalimutan na nating tumawag sa pangalan Niya. Minsan sa sobrang saya mo sa mga biyaya ng Diyos nakalimutan mo na Siya. Ngunit madalas mas sinasamba at minamahal natin ang biyaya ng Diyos kaysa sa Kanya. Masakit isipin 'di ba? Nakakaguilty? Oo pero' yan ang totoo.
Minsan sinasampal na tayo ng katotohanan pero nagmamanhid-mahiran pa tayo. Kaya ayan, si God binibigyan tayo ng pagsubok na kung saan tatawag ka talaga sa Kanya, mapadadaing ka at mapapaluhod sa hirap ng sitwasyong dinaranas mo ngayon.
Ngunit sa kabila no'n, mabuti pa rin ang layunin Niya sa buhay natin. Hindi Niya niloloob ang problema para parusahan lang tayo sa pagkakamali at pagkakasala natin kundi para matuto rin tayo sa ikabubuti natin. Isipin nating mga tao na alabok lang sa mga paa Niya pero ang laki ng pagpapahalaga Niya sa atin. Pinatawad at minamahal Niya tayo.
Masakit mawalan ng ari-arian. Oo, masakit. Isipin mo ba naman pinaghirapan mo, ibebenta mo lang? Mawawala na lang bigla sa isang iglap? Mahirap i-let go ang isang bagay na alam mong mahalaga para sa'yo lalo na kung ang pinuhunan mo ay hirap at sakripisyo higit pa sa dalawa na 'yan ang mga alaala na mayro'n sa bagay na' yon.
Masakit ding makita na suicidal na ang isang miyembro sa ating pamilya dahil sa problema. 'Yong tipong mapapatingin kana lang at mapapatitig sa kapatid mo o sa magulang kung paano sila nag ii-struggle. Napakahirap pero kailangan mong maging matatag dahil kung pati ikaw-tayo manghihina, wala na.
Nauunawaan ko na hindi talaga natin kayang solusyunan ang isang bagay sa sarili nating kakayahan. Pagdating sa problema para tayong nasa sitwasyon nila Moises noong tinutugis na sila ng mga Egipcio. Na corner na sila ng napaka lawak na dagat at sa likod nila ang maraming kawal ng Faraon. Ngunit gayon pa man hindi pa rin sila pinabayaan ng Diyos. Gumawa ang Diyos ng daan na kung saan imposible sa tao at hindi kayang abutin ng isip ng tao kung paano nangyari ang himalang iyon ng Diyos. Ang hatiin ang dagat upang makatas ang bayan ng Diyos sa kamay ng mga kalaban.
Kaya naman, nananalig at naniniwala ako sa Diyos anumang kalagayan natin sa buhay gagawa Siya ng paraan. Kung feeling natin walang solusyon (dahil tayo ang gumagawa ng paraan) at parang habang buhay na tayo sa problema natin. Diyan tayo nagkakamali dahil si God laging may paraan at solusyon.
Kung ano mang nawala sa atin kung nawasak, nasiraan ng loob at nawalan ng pag-asa kayang kayang i-restore ng Diyos ang mga bagay na 'yan. Kayang ibalik ng Diyos ang mga bagay na' yan. Kung ari-arian lang din higit ang kayang ibigay ng Diyos. Sapagkat ang mahalaga sa gitna ng sitwasyon ng problema ay iyong matutunan mo ang gustong ituro ng Diyos sa 'yo. Paalala lang din kailanman hindi nagbigay ng latak ang Diyos sa mga anak Niya palaging best ang plano Niya sa atin.
Ipagkatiwala natin sa Diyos ang lahat, huwag na tayong mag-isip pa, mag-alinlangan at mag dalawang isip pa dahil ang Diyos ang lalaban para sa atin. Ang Diyos nakinikilala natin ay kayang bumuhay ng mga patay, kayang gumawa ng mga himala at kayang patunayan na Siya ang Diyos nating Kaitaas-taasan.
Huwag nating maliitin ang Diyos dahil sa problema natin. Habang ang tingin natin sa problema ay sobrang laki parang sinasabi nating maliit ang Diyos natin.
Siya ang lalaban sa atin kailangan lang nating manatiling kalmado. Saan pa at ipinagkatiwala na natin sa Kanya at mag-aalala pa tayo? Ipakita nating malaki ang tiwala natin sa Diyos.
Let's watch and see how God will work for this battle.
I have learned today, problem may use the devil to depart us from God. But at the same time nakita ko, dapat mas lalo tayong kumapit sa Kanya. Sa bawat brokenness there's a breakthrough that God will show. We are not alone on our battle. Mahirap isuko lahat ng problema sa isang nilalang na hindi natin nakikita pero isipin natin kung gaano ka worth it kung hindi tayo mag aalinlangan sa Kanya.
Kaya kung ikaw may problema? Lovelife, Broken Family, Financial at iba pa. Ilapit natin 'yan sa Diyos huwag sa tao lalo na kung hindi pa natin kilalang lubos.
To God be the glory forever and ever. Let the spirit of God be with us. Praise the Lord! Hallelujah!
YOU ARE READING
Open Book
SpiritualLife is full of trials and learnings. God's purpose in our life. As a teenager what is God's calling for us? The photo is not mine I just edited it. Credits to the righful owner of the photo. Copyright © SpirituallyBornAgain 2019