Hello guys! Today, I just wanna share my thoughts today. Yeah thoughts hahaha. Two days akong hindi nakapag update dahil maraming pumapasok sa isip ko. Ngayon ko lang balak mag share.
Iniisip ko kasi kung paano ako papasa ng UPCAT, ito 'yong tawag sa entrance exam sa UP and I'm looking for UP Diliman if ever man na loobin ng Diyos na makapasa ako. Iniisip-isip ko talaga siya, at the same time iniisip ko rin paano kapag nakapasa ako at do' n nga ako nakapag-aral. Paano ako titira ro'n? Mabubuhay ba ko kung ako na lang? Makakaya ko bang mag-aral sa Maynila kahit alam ko kung ano ang mga ugali ng teachers sa Maynila? Sorry pero hindi ko nilalahat. Alam ko kasing direct to the point sila magsalita at pahiya talaga kung pahiya. Makakaya ba ng puso ko na tanggapin lahat 'yon?
Iniisip ko rin' yong research namin dahil wala pa kong nagagawa and as a leader of the group kailangan kong gumawa ng action. Also, natatakot uli akong mag defense dahil alam kong mahina ako sa English.
Iniisip ko rin kung effective speaker pa rin ba ako sa ibang tao. Na baka mamaya may nasasabi na pala akong hindi maganda at masyado na pala akong nagmamayabang.
Iniisip ko pa rin 'yong sayaw namin sa PE paano ako mag peperform? Ballroom pa kasi' yong sayaw e. Ayoko talagang sumayaw pero kailangan ko dahil sa grades at ayoko rin namang mahirapan kapag nagpasahan na ang mga teachers ng grades namin.
Marami talaga akong iniisip, kung paano ako mag reresponse sa mga bagay-bagay sa paligid ko.
Hindi ko pa rin gets hahaha hindi naman ako malungkot pero hindi ko rin masabing masaya. Kung baga sa isang ulam parang ang dating ng buhay ko walang lasa. Wala namang mali pero hindi mo malasap 'yong sarap habang ipinagpapatuloy mo' yong bawat araw. Magulo. May mga gusto akong gawin, may mga iniisip ako pero parang hindi kalooban ng Diyos at hindi natutuloy. Darating na tatamarin ako, mawawala sa isip ko hanggang sa ayoko na lang gawin. Hindi ko alam.
Naguguluhan talaga ako.
I just wanna share my prayer,
"Lord God, pinupuri at pinasasalamatan kita. Lord, alam n'yo po 'yong kalagayan ko ngayon. Nagpapasalamat ako Lord sa bawat opportunity na ibinibigay Mo sa akin Lord God sa kabila Lord na hindi ko maintindihan at naguguluhan ako. Hinihiling ko po Lord na tanggalin Mo po' yong kaguluhan sa isip ko. Bagkus Lord, ilagay mo sa puso ko 'yong mga nilalayon mo sa buhay ko. Lord, iaalis Mo po' yong mga bagay na hindi mo kalooban sa buhay ko. Ilagay Mo po ako sa tamang landas at ingatan po ninyo kami. In Jesus name, Amen."
Byee guys. Thank you for reading my drama thought.
God bless! To God be the glory forever and ever!
YOU ARE READING
Open Book
SpiritualLife is full of trials and learnings. God's purpose in our life. As a teenager what is God's calling for us? The photo is not mine I just edited it. Credits to the righful owner of the photo. Copyright © SpirituallyBornAgain 2019