AC #04

37 4 0
                                    

"Dudong. Sila Ms. Kwon at Sir. Han yon diba? Yung nasa car?" Paulit-ulit na tinapik ni Nako si Dongpyo na nakaupo sa tabi niya sa loob ng 7/11. Medyo malayo sa bintana ang pwesto nila kaya hindi sila ganun ka-halata mula sa labas. Katabi lang din kasi nila yung higanteng kiosk machine na maraming nakapila.

"Anong Dudong!? Dongpyo yung pangalan ko hayop na yan, Nakonanay!" Saway nito sa kanya.

"Maka-Nakonanay ka naman. Di naman ako kasing-liit ni Onay. Makapanlait 'to, bakla ka naman." Sagot ni Nako sabay bukas ng cornetto.

"Nako konti nalang, sinasabi ko talaga sayo." Tinitigan siya ng masama nito.

"Oh bakit, bakla?"

"Patunayan ko sayong di ako bakla."

"Oh talaga tol?"

Chalk [the x✶one series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon