"Ay, aga pa pala."
Nag-inat si Seungwoo pagkabangon niya sa kanyang kama, humikab siya habang kinakamot ang kanyang tiyan at tumulala muna ng mga ilang segundo bago tumayo kinuha ang t-shirt na nakapatong sa swivel chair na katabi lang ng kanyang kama.
Naglakad siya papunta sa pintuan para buksan ang pinto, at saktong pagkabukas niya nito, nalanghap niya ang mabangong amoy ng piniritong spam, at narinig niya ang mabilis na paghihiwa sa chopping board.
✶✶✶
"Up~ Up~ Ay shet ka ano ba yan, Seungwoo!" Biglang binaba ni Eunbi ang kutsilyo sa tabi ng chopping board at nilingon ang lalaking biglang yumakap sa kanya mula sa likod, pagkalingon niya ay bigla niyang naramdaman ang mga labi nito sa kanya, medyo nagtagal ito ng isa o dalawang minuto hanggang sa tinigil nalang ni Eunbi dahil sa piniprito niya.
"Good morning, beautiful." Bati pa ni Seungwoo ng may nakapintang ngiti sa kanyang mukha.
"Anong good morning beautiful—ka diyan." Akmang papaluin na sana ni Eunbi si Seungwoo ng bigla siyang ngumiti pabalik dito at ang kanyang mga kamay—ay nasa pisngi na nito.
"Maligo ka na, tapos bihis ka na rin. Para makapag-breakfast na tayo. Okay?" Bumuntong hininga si Eunbi habang nakatingala sa boyfriend niyang ilang centimeter ang tangkad sa kanya. Nag-tiptoe siya para halikan sa pisngi si Seungwoo.
"Bakit sa pisngi lang?"
"Ang baboy mo naman, di ka pa nga nagtutoothbrush. Wag ka ngang choosy. Pasalamat ka nagpahalik pa ko sayo kani—"
Hinalikan nanaman ni Seungwoo si Eunbi bago siya tumakbo papunta sa kanilang paliguan.
"Kadiri ka talaga!"
✶✶✶
"Eunbi, kamusta naman yung class A mo? Di ka naman stressed sa kanila?" Tanong ni Seungwoo habang naghuhugas ng plato, siya naman daw kasi si Eunbi na nagluto eh.
Tumango lang si Eunbi at bumuntong hininga.
"Okay lang naman. Top 1 parin si Wonyoung." Humigop siya ng kaunti sa mainit niyang kape.
"Himala di ka nagsprite ngayon ah?"
"Ibato ko kaya sayo 'tong tasa ko, 'diba pinainom mo kanila Wooseok at Seungyoun kagabi yung isang tray ko ng sprite diyan kasi wala silang mainom na alak!?"
"Sorry na. Bilhan kitang coke mamaya." Nagpunas ng kamay Seungwoo, lumapit siya kay Eunbi at niyakap ito.
"Sweet na sana, kaso Sprite ang gusto ko hindi coke." Yumakap siya pabalik.
"Okay, edi sprite." Hinalikan pa nito ang noo niya.
"I love you Seungwoo~"
"I love you too, Eunbi. Pasok na tayo."

BINABASA MO ANG
Chalk [the x✶one series #1]
Roman d'amour❝Teach, pengeng chalk.❞ Han Seungwoo × Kwon Eunbi FIL/ENG + Epistolary + Narrative