Kabanata 2

2 0 0
                                    

Nagising sya na masakit ang ulo. Nahilot nya ang sentido at dahan-dahang bumangon.

Mahina syang napaungol ng kumirot ang ulo nya. Inilibot ni Eury ang paningin sa kanyang suite at bahagyang kumunot ang noo nya.

How come she ends up in her suit? She was so drunk last night that she lost her consciousness.

“Argh! How can you be so stupid?!” inis na sigaw nya ng maalala ang mga nangyari bago sya mawalan ng malay. Mabuti naman at magaganda ang loob ng mga nakakita sa kanya kagabi.

She rolled her eyes heavenward and fix herself. Ngayon ang flight nya pabalik ng manila at mayroon na lamang syang limang oras para mag-ayos ng gamit.

Nakakapanghinayang lang at hindi nya napasalamatan ang mga tumulong sa kanya.

“Hershey and Sebby?” mahinang bulong nya. “I think I can extend my gratitude to both of you next time.”

Magbabayad sana sya ng bill nya pero nagulat sya ng malamang all expenses paid na sya. Sinabi pa ng receptionist na ang boyfriend daw nya ang nagbayad ng room nya at good for one week stay ang binayaran nito.

“A-Are you sure?” nauutal na tanong nya. Hindi rin biro ang bayad sa hotel na tinuluyan nya. Ang totoo ay nakalaan ang three months na sahod nya para lang magstay roon ng limang araw. Just how rich is that man?

“Yes ma'am. Natatawa nga po ang pinsan nyang babae dahil wala pong ibang pera ang boyfriend nyo pero nagulat ho kami ng Supervisor ko ng inabot nya po ang isang gold card.” Tila kinikilig na balita nito sa kanya.

Napakagat labi sya at kinalma ang sarili. Gold card? Kahit ang pamilya nya ay walang ganon. Gusto sanang tanungin ni Eury ang pangalan ng lalaki kaya lang ay baka magtaka ang receptionist. Sino ba ang girlfriend na hindi kilala ang kanyang boyfriend, hindi ba? At bakit naman ito nagpakilala na boyfriend nya?

“Sinabi nya talagang boyfriend ko sya?” Naniniguradong tanong nya.

“Si Ma'am Hershey po ang nagsabi. Naku ma'am kung hindi nyo pa po boyfriend yung lalaki ay sagutin nyo na sya! Sayang din po yon kapag napunta sa iba mukha pa naman pong mayaman at mabait idagdag pang napakagwapo!” Tila nangangarap na wika nito.

Napangiwi sya sa tinuran nito. As if naman maniniwala syang may magkakagusto sa kanya na ganon. Isipin lang nya ang hitsura nya ngayon kahit maging lalaki sya ay iiwasan sya ng mga babae.

“Sige, salamat nalang. Um, one more thing... Wala ba silang iniwan? Note or something?”

“Wala naman ho pero sabi po ni Sir Sebby, alagaan nyo po daw ang sarili nyo.”

“Thanks again. I should be going.” aniya at umalis ng naguguluhan...

Why does he have to pay for her expenses? Tama naman na ang itinulong nito sa kanya. Bakit kailangan pa nitong maglabas ng pera? Gaano ba ito kayaman? Napabuntong hininga sya.

Tumawag sya ng taxi at nagpahatid sa airport. Napatingin sya sa repleksyon nya sa salamin. Bahagya pa nyang nahaplos ang mukha. She looks so normal. Maputla ang balat at nangigitim ang paligid ng kanyang mata. Diretso din ang hanggang balikat nya na buhok na nakalugay lang. May suot pa syang shades. Para syang patay na nabubuhay sa mundo.

Napabuntong hininga sya at tinanggal ang shades. Hindi naman sya ganito dati pero ng dahil sa nangyari two years ago ay minabuti nyang maging ganito. Ayaw nya kasing may makakilala sa kanya na may kaugnayan sa pamilya nya. Ayaw nyang kaawaan sya ng mga ito dahil pakiwari nya ay nalulunod sya.

Lunod na lunod na kasi ang pakiramdam nya sa awa sa sarili baka kapag nakita at nakasama nya pa ang mga taong may mga matang ganoon na nakatingin sa kanya ay baka tapusin na nya lahat.

“Nandito na tayo, miss.”

Inabot nya ang bayad at lumabas na sa taxi. Ang hiling nya lang ay sana hindi malate ang flight nya dahil ayaw nyang maghintay. May mga unwanted thoughts kasi na pumapasok sa isip nya tuwing nababakante iyon.

My butler husbandWhere stories live. Discover now