👑 1: Weird 👑

409 11 20
                                    


Your Highness || TAEKOOK
TAGALOG Fantasy AU
by: yoonmocchi


Hindi aware si Taehyung na isa siyang prinsipe.


Summary:

So basically, nagka-amnesia ang lolo n'yoㅡeste ang Vampire Prince na si 'Kim Taehyung' na siyang magiging sunod na hari dapat ng "Kugelsicher" (kaharian kung saan payapang naninirahan ang iba't-ibang supernatural creatures). Kasabay ng pagkawala ng mga ala-ala ay ang pagkawala rin ng kanyang pagiging bampira, pati na rin kapangyarihan :( sad layp.

Then, napadpad ang prinsipe sa mundo ng mga mortal, nanirahan doon at inakalang normal na tao lamang talaga siya.

Naging okay naman ang pamumuhay ni Taehyung bilang mortal. Nagkapagtrabaho siyang waiter sa isang coffee shop at nagkaroon ng mga kaibigan. Mga weirdong kaibigan.. pero masaya naman silang kasama kaya hindi na siya nagrereklamo.

Unfortunately, malas yata si Taehyung sa pag-ibig dahil pakiramdam niya ay may lihim na galit sa kanya ang kras niyang si Jeon Jungkook, isang dance instructor.

Like, wala naman siyang ginagawa kun'di mag-exist? Pero kung tingnan at itrato siya ni Jungkook ay parang pinatay ni Taehyung ang alaga nitong ipis o ano. 😢

Ano kaya ang mangyayari kapag nadiskubre ni Taehyung ang katotohanang isa siyang prinsipe? At bakit nga ba 'galit' daw si Jungkook sa kanya?

☆☆☆

Ang librong ito ay kathang isip lamang. No hate/disrespect is meant to be aimed at real BTS or anybody. This is just a fanfiction, don't take this seriously.

WARNINGS:

Will contain bxb, crack, mythical creatures (vampire, fairy, demon, werewolf, wizard etc.), cursing, strong language, magic, violence, fantasy chuchu, lame jokes, author's ugly narrating ability, grammatical errors (lol), if there's a smut: top!tae, bottom!jungkook.

If anything above discomforts you, please don't read this story just to complain about it later. Thank you.


☆☆☆

Hindi maintindihan ni Taehyung si Jeon Jungkook.

Habang naglalampaso ng sahig ay nakatanaw si Taehyung sa labas ng Coffee shop kung saan siya nagtatrabaho. Tinitingnan niya kasi ang dance studio na katapat ng shop nila, nagbabakasakaling makita ang gusto niyang makita.

Nakangusong tiningnan niya ang wall clock sa Coffee shop dahil inip na siya. 11:59 AM. Ay shit. Malapit na pala!

Nang ibalik ni Taehyung ang tingin sa labas ay malawak siyang napangiti. Nasilayan na niya ang kanina niya pang hinihintay! Lumabas sa dance studio ang isang lalaking naka-itim na hoodie. Mukhang inaantok ito at nilalamig. Tumayo lang ito doon at humihikab na niyakap ang sarili.

Cute. Pero may sakit ba siya? Kumirot ang dibdib ni Taehyung sa naisip. Gusto na tuloy niyang lumabas para yakapin ang lalaki nang hindi na ito lamigin. Gusto rin niyang balutin ito sa makapal na kumot, bigyan ng hot chocolate with marshmallows, hawakan ang mga kamay nito, kwentuhan ito ng cute romance novels at kantahan ng lullaby hanggang makatulog.

S'yempre, hindi niya 'yon gagawin. That'll be weird. Yeah. Weird.

Sa pangangarap ni Taehyung ay medyo late na niyang napansin na nakatingin na din pala sa kanya ang lalaking nakatayo sa labas ng dance studio. Pero nang marealize na niya, agad na nabuhay ang kanyang katawang lupa!

Your Highness || TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon