☆☆☆
"Sino nga ulit ang nanalo sa one-on-one ng kambing at ni Jungkook?"
"Namjoon. Kakatapos lang nating manuod ng nakakaiyak na movie, bakit 'yan pa rin ang iniisip mo?"
Lampas na ng 10 PM. Naglalakad na ang magkakaibigan pauwi galing sa bahay ni Hoseok maliban kay na Seokjin at Jimin dahil iba ang direksyon nang bahay ng mga ito. Kaya ang magkakasama ngayon ay sina Namjoon, Yoongi, Taehyung at Jungkook.
Nakapamulsang naglalakad si Taehyung sa hulihan ng mga kasama. Kinakabahan siya habang kinakagat-kagat ang ibabang labi. Pamilyar siya sa sitwasyong 'to na laging nangyayari isang beses sa isang linggo.
Hindi siya mapakali dahil alam niyang silang dalawa lang ni Jungkook ang matitira sa paglalakad. Mas mauuna kasi nilang madadaanan ang apartment na tinutuluyan nina Namjoon at Yoongi..
Si Namjoon ang mauunang umalis.. Tapos si Yoongi.. Tapos si Taehyung. Uhhh.. Si Jungkook ang huli. Minsan nga ay gustong ihatid ni Taehyung ang nakababata sa bahay nito. Pero dahil duwag ang Tete n'yo, hindi siya makapagsabi kaya walang nangyayari. Torpe kasi. So sad.
Unless.. ngayong gabi..?
Tiningnan ni Taehyung si Jungkook. Nakasuot sa ulo ng kuneho ang hood ng itim na hoodie. Mukha pa rin itong nilalamig kagaya kanina. Naisipan ni Taehyung na ibigay ang suot niyang jacket kay Jungkook. Isip lang, nahihiya siyang gawin.
"-wag mong kakalimutan hah Jungkook, ingat. At Taehyung! Matulog ka nang maaga, baka magwala si Jin-hyung pag late ka na naman bukas.. Bye." matamlay na kumaway sa kanila si Yoongi bago ito tumalikod.
Nagising ang diwa ni Taehyung. WHAT?! Si Yoongi na ang nagpapaalam? Kailan pa nawala si Namjoon?! Nakita nga niyang nasa tapat na sila ng apartment ni Yoongi. Napalunok siya. Maiiwan na siya na kasama ang kuneho.
Nilingon ni Taehyung si Jungkook na naglalakad na paalis kaya mabilis siyang humabol dito. Nanatili siyang nasa likuran kahit na gusto niyang tumabi sa nakababata sa paglalakad. Baka kasi mailang ito. Nakangusong isinuot na lang ni Taehyung ang mga kamay sa bulsa ng suot na blue jacket.
Natural nang hindi sila nag-uusap kapag nagkakasabay. Hindi naman talaga sila nag-uusap duh. Si Taehyung lang ang sumusubok 'pag nakaka-ipon siya ng lakad ng loob, kaso sa bawat subok na 'yon, laging--FAIL.
Sanay na silang dalawa na ganito. Naglalakad lang, pinagmamasadan ang nadadaanang mga street light na pinagpe-piyestahan ng mga kulisap, mga tahimik na bahay, mga bituwin sa langit at buwan. Tanging ang tunog lang ng kuliglig at kanilang mga sapatos na lumalapat sa sementong daan ang maririnig. Paminsan ay may tumatahol ding mga aso sa kalayuan.
Gusto 'yong baguhin ni Taehyung. Gusto niyang makipag-usap kay Jungkook, makipagtawanan, kamustahan, kwentuhan.. 'yong ginagawa ng mga magkaibigan. Ito na siguro ang pagkakataon para kausapin niya ito ng maayos.
Pinagmasdan niya ang nauunang pigura ng nakababata habang naglalakad pa rin. Inihanda niya ang sarili. Tumikhim siya para ayusin ang boses at.. "Ju-Jungkook." Shit. Nautal pa siya. "Pwede bang-"
"No." hindi natapos ni Taehyung ang sasabihin nang biglang magsalita si Jungkook. Nagulat si Taehyung. Naguguluhang nagsalubong din ang kilay niya. No?
"W-What?" naniniguradong tanong ni Taehyung dahil baka nag-i-imagine lang siya na sumagot ito.
"No." malamig na pag-uulit ni Jungkook. Tila binilisan pa nito ang mga hakbang na ginagawa.
"Jungkook-"
"No."
Hindi nawala ang kunot sa noo ni Taehyung. Nagsisimula na siyang mainis. Bakit ba ganito si Jungkook sa kanya? "Hindi pa ako tapos magsalita.." binilisan niya rin ang paglalakad dahil lumalayo na ang pagitan nila.