👑 3: Confused 👑

196 10 19
                                    


Maraming pinagsisisihan si Taehyung. Hindi pa siya handang mamatay pero wala na siyang magagawa.



Hindi man lang niya nakita ang kanyang mga magulang na base sa kanyang ala-ala ay nawala na lang noong middle school pa siya. Nakapagtatakang di niya maalala ang mukha ng mga ito, ni isang picture wala rin siya. Kaya hindi niya alam kung saan magsisimula sa paghahanap. Ngayon, wala na talaga siyang pag-asang makita ang mga ito.

Marami din siyang gustong aminin sa kanyang kabarkada. Nakakalungkot talaga. Naiiyak na siya dahil mami-miss niya ang mga bugok.



Pinagsisihan ni Taehyung na hindi niya nasabi kay Seokjin na siya ang nagpakawala sa mga sugar glider nito at hindi si Namjoon.

Hindi nasabi ni Taehyung kay Namjoon na siya ang nagkalat ng chismis na butas ang brief ng kawawang barista.

Hindi nasabi ni Taehyung kay Hoseok na siya ang nag-hagis ng pustiso ni Manong Gibeom (janitor sa dance studio) sa bubong ng Hope Right Here.

Hindi nasabi ni Taehyung kay Yoongi na siya ang kumalbo sa aso nitong si Holy.

Hindi nasabi ni Taehyung kay Jimin na siya talaga ang umutot noong nanonood sila ng movie at hindi talaga ang kanyang soulmate na napagbintangan ng bonggang-bongga.



At higit sa lahat..



Hindi nasabi ni Taehyung kay Jungkook na..


..



..na crush niya talaga ito. hihi.



Itatanggi niya pa ba eh patay na naman siya di ba?


Parang teenager na kinilig ang Tete n'yo habang nakapikit pa rin. Yumakap siya sa malambot na unan na nasa kanyang tabihan bago isinubsob doon ang sariling mukha..

Oops! Hindi niya raw pala pinagsisihang hindi niya nasabi 'yon kay Jungkook. Ayaw niyang may makaalam ng kahit sino. Naninidigan kasi talaga siyang straight daw siya kahit alam ng karamihan na hindi. LMAO. At isa pa, hate na hate din naman raw siya no'ng beybi kuneho kaya wala namang patutunguhan. Sad. Aww.



.... . ..?



Natigilan si Taehyung nang may mapagtanto. Nawala ang ngiti niya at kumunot ang kanyang noo (nakapikit pa rin).



WAIT A FUCKING MINUTE!



Nakapikit na kumapa-kapa siya sa kanyang hinihigaan. Libo-libong tanong ang agad na pumasok sa kanyang isipan.

Malambot na kama.

May unan.

Mabangong kumot..

What?!

Iminulat ni Taehyung ang kanyang mga mata. Mabilis na bumangon pa-upo.



"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!"



At sa takot ay sumigaw siya ng malakas.

Pota. Shit. Wtf?! Buhay siya? HOW?!

Tumigil siya sa madrama niyang pagsigaw. Hindi niya alam ang nangyayari! Itinaas niya ang suot na T-shirt para icheck ang kanyang sikmura. Mas natakot siya nang wala siyang nakitang sugat doon, hindi na masakit, kahit peklat wala!

HOW?!

Nanginginig na ibinaba na ni Taehyung ang T-shirt at hinila ang kumot na naroroon para itaklob sa katawan niya. Shield niya ang kumot. Feeling niya kasi ay nasa paligid lang ang halimaw na babaeng umatake sa kanya. Oh no no no.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Highness || TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon