Proloque

3 0 1
                                    

It's my special day, today.

Dahil ngayong araw magaganap ang pinakahihintay ko.

Higit sa lahat yung pinapangarap ko.

Lalo na't kasama ko yung taong nagpasaya sa akin.

Nagmahal.

At higit sa lahat, ang tumanggap sa akin ng totoo.

Ngayon, hinihiling ko na lang na maging mabagal ang oras.

Dahil sa oras na toh, napapaiyak na ako habang nakatingin sa taong mahal ko.

Sa dulo nito, nakita ko siyang nakatingin din sa akin.

Naiiyak rin siya

Napangiti ako kasi, nakikita ko na kung ano magiging itsura namin pagkatapos nito.

..

Nang makarating ako at kaharap ko na siya ay agad niya pinunasan yung luha na pumatak sa akin.

Napangiti ako.

"Sabi ko walang iyakan eh." sabi niya.

"Ikaw kasi Migs." sabi ko.

Siya si Miguel Acosta, isang anak ng magaling na businessman sa buong mundo, meron din siyang studio dahil hilig niya ang sumayaw at tinuturuan niya ang mga batang palaboy. Yan ang hilig niya kaya nagustuhan ko siya kasi may soft side siya sa mga bata.

Kaya napakaswerte ko dahil sa may magandang side siya na nakita ko at alam ko na magiging masaya ako kapag kasama ko siya. 

Nakita ko napangiti na lang siya at parehas na kami humarap kay Father.

"Ngayong araw na toh ay espesyal pero bago natin simulan ang seremonya gusto ko malaman kung may tutol ba sa dalawang toh sa kanilang pagiisang dibdib?" sabi niya at tumingin sa kanila. "Ngayon ay magsalita na."

Nagtinginan lang kami ni Migs at nang wala kami marinig sa kanila ay napangiti si Father.

"Kung wala ay, maaari na--"

"Itigil ang kasal!"

Napatigil kami at napatingin sa pinto ng bumukas ito.

"Sunny?" sabi ko at napalingon sa kanya.

Ano ang ginagawa niya? At yung suot niya? Bakit nakaitim siya sa kasal ko?

"Luna, Migs hindi niyo maaaring ituloy ang kasal na toh." sabi niya habang naglalakad palapit sa amin

Dahil sa sinabi niya, nagsimula na magbulungan ang mga tao sa paligid namin.

"Sunny, ano tong ginagawa mo, itigil mo toh. Kasal toh ng kakambal mo." narinig ko pang sabi ni mama sa kanya.

Kaya pala wala siya rito kanina dahil ito ang plano niya.

At oo, kakambal ko siya pero, hindi kami yung uri ng kambal na magkaparehas, were just born on the same day pero magkaiba kami ng itsura at ugali. Identical twins? Yun ang tawag nila sa amin.

"Luna, hindi ko hahayaan na magsimula ang kasal mo hangga't... " sabi niya ng tuluyan na siya nakatayo sa harap namin. 

Nakangiti siya ngayon. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga ngiting niyang ito.

"...hangga't hindi mo natatanggap ang regalo ko sa inyo ni Migs." sabi niya at may inabot siyang box mula sa likuran niya.

Hindi ko napansin na may tinatago pala siya sa likuran niya.

Napansin niya ata na nakatingin lang ako sa kanya kaya inabot niya ang kamay ko at nilagay dun yung box.

"Congraturation, Luna. I wish you the best." sinabi niya at tumalikod na siya para umalis.

Lalo umingay dito sa loob habang paalis siya at sa hindi ko malamang dahilan parang nanghina ako bigla.

"Luna."-Migs

Sabi niya ng napakapit ako ng hawak sa kamay niya.

"A-Ayos lang ako." sabi ko at ngumiti sa kanya.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya ngumiti ako sa kanya.

Pero bago kami magsimula ulit, tiningnan ko ang pinto at nakita kong nakatayo siya dun at nakatingin siya sa akin.

Nang magtama ang mata naming dalawa, kitang-kita ko yung galit at selos sa mga tingin niya?  Bakit?

"Ms Saavedra, pwede na ba natin simulan ito?"-Father.

Napalingon ako at napatango ako kay father sa sinabi niya.

"Opo father, simulan na natin." sabi ko.

Lumingon ulit ako dun pero, wala na siya dun.

At sa hindi ko malamang dahilan, bigla ako kinabahan sa pagsasama namin ni Migs.

Napalinga ako at pilit inaalis sa isip ko yun. Wala naman siguro ibig sabihin ang mga tingin niyang yun di ba?

Kasi, simula't sapul lahat nasa kanya, kahit ang pagmamahal ni mama, maraming kaibigan, at higit sa lahat, mga taong nagmamahal sa kanya.

Sana naman, wag pati ang lalaking pinakamamahal ko gusto din niya kunin sa akin.

Si Migs na lang ang meron ako... Sana wag siya.

~~~~~~

Dark HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon