Luna POV
"Hi Luna."
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.
Ano ginagawa niya dito?
"Ahmm, Hello?" sabi niya ng mapansin ata niya na nakatingin lang ako sa kanya.
Ni hindi ako nagsasalita o anuman.
Napansin ko na medyo naawkwardan siya sa ginagawa ko kaya naman ako nagputol ng tingin sa kanya.
Nagsimula ako naglakad at nilapag ang gamit sa isang vacant na upuan.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.
"Ah, wala naman..." sabi niya at medyo napatigil siya nung napatingin ako sa kanya. "...gusto lang kita makita." sabi niya at nakita kong namula yung pisngi niya at tumingin siya sa gilid habang hawak yung batok niya.
Habang ako naman ay napakunot ang noo.
"Bakit? May kailangan ka ba?" sabi ko
Napatingin naman siya at halatang naaalangan siya sa sasabihin niya.
"Ahmm, ano kasi, balita ko malapit na yung kompetisyon at..."
"At?"
Nakita ko na namula yung pisngi niya lalo at napabuntong hininga siya ng malalim.
"Wait lang, give me a second." sabi niya at tumalikod siya sa akin.
"Calm down Migs! Get yourself together!" sabi niya sa sarili niya.
Napangiti ako, nakalimutan ba niya na nandito ako at naririnig ko mga sinasabi niya?
Tapos nun ay humarap ulit siya sa akin at binalik ko naman sa pagiging seryoso ang mukha ko.
"Gusto ko maging model mo!" sabi niya.
Nagulat ako kasi medyo napasigaw siya nung sinabi niya yun. Tapos ay medyo hinihingal pa siya dahil dun.
Napaangat ang tingin niya at inaantay ang sasabihin ko pero ang tanging ginawa ko lang ay tingnan siya mula ulo't hanggang paa.
Hmm, pwede naman siya. May tindig at maganda ang pangangatawan niya.
"Ahmm, ano ginagawa mo?"
Sabi niya ng lumapit ako sa kanya at sinimulan ko na icheck ang katawan niya at ng matapos ako ay magpaikot- ikot sa kanya tumayo naman ako sa harap niya at hinawakan ang baba niya.
Napansin ko napasinghap siya nun at nagulat sa ginawa ko.
"Gwapo."
Hindi ko namalayan na napalakas yung sabi ko at nakita kong napangiti siya nun.
"Talaga?" sabi niya.
Nagangat naman ako ng tingin at napansin ko na ilang metro na lang ang layo ng mga mukha namin.
Ako lang ba o lalo siya gumwapo sa malapitan?
Nung napansin ko yun at agad naman ako bumalik sa katinuan ko kaya naman binatawan ko ang baba niya at lumayo sa kanya.
"Bumalik ka dito bago maguwian, para sukatan kita." sabi ko at tumalikod sa kanya.
Wew, parang medyo uminit dito.
"So, tanggap na ako?" sabi niya.
"Oo kung ser--"
"Yes! Oo naman seryoso ako!" sabi niya at nagulat ako ng hilahin niya ako at yakapin. "Hindi ka magsisisi sa akin!" dagdag pa niya at tyaka niya ako pinaikot-ikot.
BINABASA MO ANG
Dark Heart
General FictionThis story is written when I was having a hard time so, it's written in tagalog (my language) and for those Filipino who follow me, you would like this story for sure. Warning: This story content is sensitive and unappropriate topic that might tr...