Luna POV
It was raining when mom gave birth to us.
Sabi noon ni papa, yun yung araw na pinakaespecial sa kanya dahil matagal niya daw kami inantay.
Pero matapos kami isilang bata pa lang ako iba na ang turing sa amin ni mama.
Mas mahal niya si Sunny at pagdating sa akin iba naman ang turing niya.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may gagawing mali si Sunny kahit hindi ako ang may gawa sa akin siya magagalit.
Minsan naalala ko nung nabubuhay pa si papa naitanong ko sa kanya toh.
"Bakit ganun si mama sa akin?"
Ang tanging sagot na lang ni papa ay isang mapait na ngiti at nung oras na yun ay yung huling araw na makikita ko siya.
Matapos kasi nun, namatay si papa sa isang accident at dahil dun sinisisi lahat sa akin ni mama.
"Sana ikaw na lang namatay imbes na siya!"
Yan ang mga salita na binitawan ni mama sa akin sa mismong lamay ni papa.
Ni pagtingin sa libingan ni papa ayaw niya ako palapitin.
Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit?
Ano ba nagawa ko sa kanya?
Wala ako maisip na mali na nagawa ko sa kanya.
Ngayon 18th birthday namin ni Sunny, as usual mas excited si mama kasi sa totoo lang lalaki na ang dalaga niya.
'Dalaga'
Isa lang naman tinutukoy ni mama jan, kundi si Sunny lang.
Sa tuwing occassion na ganito lagi lang naman ako nakakulong sa kwarto.
Sinecelebrate magisa ang birthday ko. Ni ayaw kasi niya na makita ako ng ibang tao dahil, isa raw ako kahihiyan at baka masira ko lang yung party.
Naririnig ko na yung ingay nila sa baba kahit nasa taas ako.
Masaya nilang binabati si Sunny nun.
Si Sunny kasi, siya yung gusto ng lahat. Sabi nga nila mas maganda daw si Sunny kaysa sa akin. Kaya nakakapagtaka kung totoo ba talagang kambal kami.
Dahil ibang iba si Sunny sa akin. Lahat kaya niya gawin, kumanta, sumayaw at magaling sa sports.
Samantalang ako, ito lang daw.
Keso, bakit hindi ko raw gayahin si Sunny?
Bakit ganito daw ako?
Hindi ko na lang sila sinagot kahit sobrang sakit na ng sinasabi nila sa akin.
Kinuha ko yung cupcake na binake ko sa sarili ko at yung picture frame ni papa at nilagay sa harap ko habang nakaupo ako sa kama.
Ganito lang naman ginagawa ko kapag birthday ko.
Isecelebrate ko ang birthday ko kasama at kaharap ang picture ni papa.
"Happy birthday, Luna." sabi ko matapos ko hipan yung kandila na sinindihan ko.
Napangiti ako pero sa hindi ko malaman na dahilan, napaiyak ako habang nakatingin sa picture ni papa.
"Papa, miss na miss na miss na kita." sabi ko at napahikbi na lang ako.
BINABASA MO ANG
Dark Heart
General FictionThis story is written when I was having a hard time so, it's written in tagalog (my language) and for those Filipino who follow me, you would like this story for sure. Warning: This story content is sensitive and unappropriate topic that might tr...