Nasa bar na kami at ganun pa din tahimik pa din ako at hindi ko alam paano ako mag uumpisa ng conversation namin.
ano iinumin natin?
ikaw ano ba gusto mo? kasi alam mo naman na RH ako
edi un na lang inumin natin.
e diba nga hindi ka pwede mag RH, san mig light ka lang pwede
hindi cge RH na lang tayo.
nyek, mamaya kung ano mangyari sayo hindi kita kaya buhatin haha
hindi yan... cge RH na lang...
kuya, pwede po bang mix?
hindi po pwede e.
ay ganun... bakit naman ganun kuya? joke lang kuya..
ay cge kuya RH na lang isang bucket.
umalis na ung waiter at kinuha na ung isang bucket namin.
magpupulutan ka ba? Ikaw na bahala mag order.
cheesestick na lang.
talagang paborito mo yan ah
oo e, sarap kasi.
cge ikaw na mag order.
habang hinihintay niya bumalik ung waiter, tahimik na naman si ako. nahihiya kasi ako na ewan.
nung naka order na siya at nandyan na din ung bucket namin. pinagsilbihan niya ako, which napaka big deal sa akin, dahil syempre kinikilig ako.
salamat.
kamusta ka naman?
ako? ok lang naman, tagal natin hindi nagkita ah
oo nga e, bc din kasi sa work
sabagay! lumipat na din ako ng bahay e, kaya mahirap na dumayo
oo nga pala nuh, pero ayaw ko din dun tayo mag inum sa bar ng tropa
bakit naman?
syempre dahil sa ginawa ni jay, ung nagbasag siya ng bote
ah un ba, wala na un, alam naman nila ung side ko dun, and beside wala naman ako kasalanan dun, siya lang tong baliw.
un nga, kaso nakakahiya kasi involve ako dun, dahil nagbasag siya dahil sa akin.
ah ok... sabagay, my point ka naman dun.
pero yaan mo na un.
pasensiya kana ah kung na involve ka pa dun.
ayos lang naman sa akin un, kasi single ako at wala problema dun.
tama ang nabasa niyo, single siya ako hindi. meron po ako kinakasama na matagal ko na hinihiwalayan pero ayaw humiwalay.
napunta ako sa sitwasyon na to, nung time na nahuli ko kinakasama ko my iba siyang kachat na may i love you pa.
simula nun na fall out of love na ako, at alam ni C un.
nagkwentuhan kami, hanggang sa magkatama na kami, nagiging normal na ang lahat sa amin. nung maubos na ung isang bucket namin, nag order pa ako ng isang bucket.
umorder ka pala ulit?
oo, bakit? ayaw mo na ba?
hindi naman, tinatamaan na ako e.
ah.. gusto mo ba cancel ko na lang?
hindi na, ok na yan.. pero pwede bang san mig light naman tayo, wag na RH
ah, oo naman, cge wait papalitan ko.
kuya, papalit naman ako ng san mig light, pwede ba?
opo, pwede naman po.
cge salamat.
nung nakita ko siya medyo nahihilo na, yumuyuko na, pero tuloy pa din kwentuhan namin. pinalipat ko siya sa tabi ko para makasandal ung ulo niya.
ang sweet na namin, hinahawakan na niya ung kamay ko, tas sinusubuan ko na siya ng cheesestick.
ui kaya mo pa ba?
oo kaya ko pa.
paano ka uuwi niyan kung lasing kana?
kaya ko, isakay mo lang ako
nyek, hindi naman ako papayag na isasakay lang kita, baka ano pa mangyari sayo
ok nga lang ako. makakauwi din ako.
hay nako, ihahatid na lang kita, hindi pa naman ako lasing.
wag na, mapapalayo ka pa.
basta bahala na mamaya.
e kung mag check in na lang kaya tayo, san ba may malapit?
meron naman malapit dito. sigurado ka ba dyan?
oo...
cge ihahatid na lang kita gang sa maka check in kana.
ok.
nang matapos na kami uminom, naglakad na kami, pasuray suray na lakad niya, binuhat niya gamit ko, tapos magkahawak kami ng kamay.
nag abang na kami ng masasakyan, hanggang sa may nakita akong tricycle. tinawag ko un at sumakay na kami.
habang nasa tricycle kami, nakahawak na siya sa tagiliran ako, tapos nakahiga ung ulo niya sa balikat ko, hanggang sa nakarating na kami.
nandito na tayo? ano mag check in ka ba talaga?
oo..
o cge, wait lang...
iniwan ko muna siya sa isang tabi at nag punta na ako sa counter.
tara na, ok na, hatid na kita sa kwarto mo.
cge, ok na?
oo ok na... kulit mo hehehe
nang makarating na kami sa kwarto, nagtanggal na siya ng sapatos, ng pantalon at humiga na.
habang ako nagyoyosi pa..
ui..
oh?
ano ok kana dito?
oo.. bakit?
aalis na ako, uuwi na ako, iwan na kita dito.
ah cge. sure ka aalis ka? iiwan mo ko dito?
oo naman, matutulog ka lang naman dito e.
tumabi ako sakanya habang hinihimas ung buhok niya at inaayos ung pagkakahiga niya.
-----
abangan po ang susunod na mangyayari.
nag stay po ba ako o umuwi?
please like, vote and comment.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng marupok ( A tagalog love story )
RomanceHi guys, this is my first time to write a story. Hoping na magustuhan niyo😁 hindi masama ang magmahal, pero kung paulit ulit na tayo sinasaktan, tama na! Pero may ibang tao na kakaiba magmahal kahit maging tanga na siya o niloloko na siya o ginagam...