*CHAPTER ONE*

17 0 0
                                    

Aisle's POV

Pag bakla ka pandidirihan ka.
Pag bakla ka lalayuan ka.
Pag bakla ka kasalanan ka.
Pag bakla ka madumi ka.

Hay nako ba't pako magtataka 'eh nandito nga naman tayo sa bansa na itutulak ka pababa. Nandito tayo sa bansa na konting galaw issue,chismis at kung anu-ano pa.

Hindi ko naman kasalanan na ganito ako tsaka ginusto ko rin to 'noh, proud ako sa sarili ko sadyang ang mga tao lang talaga ang may problema.

Mga taong mapanghusga.
Mga taong walang magawa kundi manglait ng iba.
Mga taong hihilahin ka pababa hanggang sa walang wala kana.

Ang hirap magpanggap na masaya.
Ang hirap magpanggap na malakas,
At lalong mahirap magpanggap na parang wala lang sayo ang insultong binabato nila.

"Bakla!"
"Bayot!"
"Kadiri! Dapat dyan nilalatigo ta's idikit sa puno na maraming pulang langgam para tumino."

Wala naman kaming sakit at lalong hindi kami sakit na nakakahawa!
Oo dumadami ang isang katulad ko pero kailangan rin namin ng respeto,pagtanggap at pagmamahal ng bawat tao.

"Helloooo?"

"Baks?"

"Are you there baks?yoohoo?"

"Uy baks! Kanina kapa tulala."

"Ay sorry ate haha marami lang iniisip."

"Nako ha ano ba iyan?bf ba?"

"Jusq tih sa tingin mo may panahon ako mag jowa tsaka isa pa baka may pumatol sakin,tss."

"Down na down sa sarili bakla ha, O'sya kakausapin ka daw ni mama kinukurot nako gusto kana kausapin e hahah kalurki."

"Ayy!bigay mo nga tih miss na miss ko na si mama." Naluluha kong sabi.

"Anak! Kamusta kana?kumakain kaba sa tamang oras?nako nak wag mo papabayaan sarili mo ha."

"Ma! I miss you,miss na miss kona talaga kayo, Opo ma promise kaya ko po sarili ko ma."

"Ba't ayaw mo kasi sumunod dito nak? Dito mo nalang ipagpatuloy pag aaral mo para sama sama na tayo."

"Uhm, Ma diba pinag usapan na natin to na hangga't di ko pa nahahanap si papa hindi ako pupunta dyan tsaka maganda naman dito ma, kinakaya ko naman."

"Hay nako nak para san pa para hanapin 'yang tatay mo na babaero ha letse nayan patay na ata yun 'eh? Anyway basta pag nagbago isip mo ako na bahala sa pamasahe mo,tsaka sino nga pala kasama mo diyan?"

"Haha ma nangupahan ako mag isa tsaka nag woworking student naman ako sa isang fast food chain pangbayad sa upa tsaka dagdag ipon narin."

"O'sya bigay ko na sa ate mo nak i love you nak mag iingat ka diyan." Nangingiyak na sabi ni mama.

"Sige po ma, i love you too ma take care dyan ma ha i miss you talaga."

"Anong take care ikaw mag ingat dyan mag isa ka pa naman!"Sigaw ni ate sa laptop.

"Oo na hahaha kaloka to ang ingay sa laptop."

TRANSGENDER REVENGE Where stories live. Discover now