Aisle's POV
Naghihintay nako ng jeep para makapunta sa pinagtatrabuhan kong isang fastfood chain sayang rin kase kung hindi ako magwoworking student,sayang rin kasi yung pera na pandagdag rin sa ipon ko,Oo nagpapadala si mama sakin ng pera,sobra sobra pa nga eh pero yung iba 'dun nilagay ko nalang sa ipunan ko at yung iba naman sa pangungupahan ko sa bahay tsaka rin pambaon,iba din kase sa feeling kapag yung pera mo ay galing sa pagod at pawis mo. Alam ko na. Oo may kaya kami pero sabi ko kase kay mama na gusto kong subukan kung kaya ko ba mamuhay mag isa,simula nung nagpaiwan ako dito sa pinas nung sinasama na ako ni mama para tumira na sa mexico.
Pasakay na ako ng jeep ng may mamalimos sa akin na dalawang bata bibigyan ko na sana ng pera ang dalawang ito ng bigla nilang dukutin ang wallet ko.
"Hoy! Tigil akin na 'wallet ko!"
Hinabol ko sila ng hinabol para maabutan pero masyado silang mabilis pero hindi ako magpapatinag,hinabol ko ng hinabol ang mga bata hanggang sa may makita akong lalaki na hinarangan sila at hinuli ang dalawang batang kalye. Lumapit naman ako para makita ang gagawin ng lalaki sa dalawang paslit.
"Hay nako diba sinabi ko na sa inyo na wag na kayo mag nakaw. Alam kong hindi sa inyo tong wallet kanino to?"Tanong ng lalaki.
"Sa akin yan kuya!"Sabi ko kay kuya at tumakbo palapit sa kanila.
"Ahh eto oh,buti naabutan mo tong dalawang to."
"Nabigla lang kase ako kuya,kase sa sobrang bata pa nila kaya nila gumawa ng ganun bagay."
Lumapit ako sa dalawang paslit at binigyan ko ng tag-fifty pesos. Alam ko kase na kaya nila nagagawa ang ganun na bagay dahil sa gutom at hirap sa buhay.
"Mga bata sa susunod wag nyo na gagawin 'yun ha."
"O-opo kuya."
"Uy ate hindi naman kuya 'yan eh bakla kaya 'yan."Sagot ng isang batang bulilit.
"Hahaha. Alam nyo ba na kakakain ko lang ng bata,ang sarap lalo na yung malilit at bulilit na katulad mo."Pananakot ko sa bata.
Napatakbo sila at napayakap sa likod ni kuya na nakakuha ng wallet ko, Natawa naman ako sa reaksyon ng dalawang bata.
"Biro lang hahaha. Papakabait kayo ha,uhm tsaka i-promise nyo sakin na hindi na kayo magnanakaw sa iba o kaya gumawa ng masasamang bagay."
"Promise po kuyaaa."
"Ate hindi nga sabi kuya 'yan bakla nga 'yan."
Narinig kong natawa naman si kuya dahil sa sinabi nung batang maliit na masarap pisain at iluto at gawing sisig.char. Napansin ko lang na eng pege ng keye nye.may singaw kasi ako hahaha.award. pero ang ayos ng datingan ni kuya ha may t-shirt na puti at nakapatong naman ang leather jacket na itim, para syang action star sa porma nya pero may hawak na bulaklak.ah. Isang boquet ng White Carnation ata 'yun ay siguro para sa girlfriend nya,ba't parang masyadong gabi para dumalaw sa girlfriend nya? Hay nako ace nangingielam ka na naman.
"Binigyan ba kita ng pahintulot para tumawa?"Masungit na singhal ko kay pogi.
"Pre,bakla ka daw?hahaha."
"Sungalngalin kaya kita.hmp!"
"Eto naman parang di mabiro."
"Eh nakikipagbiruan ba ako sayo mister?"Pataray at patanong na sabi ko sa kanyang pangalan. Para mai-add na natin sa fb,charot!
"W-wayne"
"I mean wayne zeil ferrer, sir"
Binaba nya ang kanyang brief,charot. Ang kanyang kamay para makipag kamay, ano ang gulo?potek? Binaba ko rin 'yun akin para naman makilala nya yung tinatawanan nya, Reyna ata to ng kabaklaan.hahaha.echos.

YOU ARE READING
TRANSGENDER REVENGE
Подростковая литератураIsang bakla na inapi,hinusgahan,nilait at pinandidirihan ng maraming tao. Gusto lang naman ng kalayaan at karespetuhan ngunit nasa makabagong mundo tayo na kung saan may mapanghusgang tao na kaya kang itulak pababa. Isang bakla na ang gusto ay ituri...