"Shierlah, matulog ka na muna. Pag gising mo, gagaling ka din"sabi ni mommy at ngumiti sa akin.
Pero alam ko namang pilit lang iyon. Wala nang gumagaling sa sakit ko lalo na't malala na.
"Oo nga, anak. Magpahinga na. Gagawin namin ang lahat para gumaling ka"sabi naman ni daddy.
Ngumiti ako sa kanila na parang naniniwala ako na hahaba pa ang buhay ko. Ayaw ko silang pag- alalahanin.
"opo"sabi ko at pinikit ko na ang mga mata ko. Pero mukhang ayaw akong dalawin ng antok. Nararamdaman ko ang paghaplos ni mommy sa buhok ko at naririnig ko ang mahina niyang paghikbi. Mayamaya narinig ko ang pagbukas ng pinto pero nanatili akong nakapikit.
"Mr. and Mrs. Atienza...."
boses iyon ng doktor ko.
"... about the condition of your daughter. I'm sorry to say pero 10 days na lang ang itatagal niya"sabi pa niya.
Narinig ko ang pagsinghap ni mommy at humagulgol ng iyak. Gusto ko sanang umiyak kaso ayoko. Ayokong malaman nila na gising ako at narinig ko ang sinabi ng doktor.
"Huwag ho naman kayong magsabi ng ganyan Huwag ninyong lagyan ng taning sa buhay ng anak namin. Gawin ninyo ang lahat. Babayaran ko kayo ng kahit magkano" sabi ni daddy at narinig kong umiiyak na rin.
"Wala na po talaga akong magagawa. Malala na masyado ang kalagayan niya. Maiwan ko muna po kayo"sabi ng doktor at lumabas na. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinalikan.
"Anak, huwag kang susuko, ha? Di namin kakayanin pag nawala ka"sabi ni Mommy.
Binitiwan na niya ang kamay ko at humalik sila ni Daddy sa noo ko.
Naramdaman ko ang pag alis nila at pinatay na ang ilaw.
Dumilat ako at bumangon sa pagkakahiga na para umupo.
Ang kaninang luhang pinipigilan ko, ngayon bumuhos.
"God , ten days na lang ba talaga ang itatagal ko? Tama po ba ang doktor ko? Pwede po bang bago ako mawala, bigyan ninyo po ako ng chance para makausap at makasama siya? Please po God, grant my wish......"
BINABASA MO ANG
My Dying Girlfriend(on-going)
Novela JuvenilGirl whose dying. Is she able to survive?