forgive or forget
nakakabato ang buhay ko imagine lagi akong lumilipat ng school ang pinaka nagtagal ako na school eh 3months yan na ang pinaka mahaba,nung nasa kinder ako halos linggo lang ang pagitan bago ako lumipat umiiyak pa ako noon dahil close na close ko ang mga kaibigan ko pero ang pinaka matinde nung nag grade 6 ako kapapasok kopalang at katatapos ko lang ipakilala ang sarili ko biglang sumingit ang teacher ko at sasabihing lilipat nanaman ako
siguro nag tataka kayo kung bakit ganon,dahil sa papa ko bussinessman sya at madalas nasa bussinesstrip dahil sa ibat ibang lugar sa pumupunta sinasama na nya kami ni mama,kaya naman sa isang taon ko na pag aaral makakalimang beses akong lumipatang tindi diba?ngayon panibagong araw at panibagong pakikisama sa mga bago kong mga classmate malamang ilang araw nalang din at lilipat nanaman kami.
nagtinginan ang mga tao saakin nung nakita nila ako siguro nanibago dahil ngayon lang nila ako nakita,sanay na ako na madalas pagtinginan dahil alam nilang bago ako,yung iba sakanila gusto akong kaibiganin pero ang pinakamasaklap nung nabully ako dahil akala nila mahina akoipinakilala na ako ng aking guro sa aking mga kamagaral lahat sila mukhang hindi masaya pero ngumii pa rin ako kahit ganon nila ako tratuhin.
ipinaupo ako sa likod katabi ko ang isang babae na hindi man kagandahan at kapayatan pero makikita sakanya ang mabait na katangian,ako ang unang kumausap sakanya.
tinanong ko sya kung ano ba ang mga patakaran at mga uri ng tao ang meron sa school na to,kaagad naman nyang sinagot ang aking mga tanong inisa isa nya mula sa pinaka maliit na bagay hanggang sa mga kalokohan ng mga istudyante dito
hindi ako nahirapang maging kaibigan sila,dahil lahat sila ay mababait,maliban sa ibang mga lalaking kaiskwela ko,ang tingin nila saakin maganda ako pero ang totoo hindi naman,maputi lang.
nagkaroon ng patimpalak sa iskwelahan namin at ang section namin ang ipanlalaban sa mga kalapit iskwelahan.ang magtuturo saamin ay ang aming guro sa pagsayaw,lalaki sya pero baluktot,alam nyo na kung ano ibig kong sabihin.
dumating yung araw kung kailan kabi magpapraktis para saaming sayaw,isang katutubong sayaw mula sa ibang bansa ang aming napili ganito rin ang tema ng iba.
sa bawat galaw na aming pinapakita manghang-mangha ang tagapagturo namin,ngunit nung nag karoon kami ng kanya-kanyang partner sa isang tugtog.nagbago ito dahil sa hindi komportable ang bawat isa lalo na ako dahil bihira lang ako makisalamuha sa mga lalaki tanging kaya ko lang ay kausapin sila batay sa mga kailangan gawin.naiiba ito sa nakasanayan ko,aminado akong nagkaroon ng maraming kaibigang lalaki pero sa pagkakataong ito naiilang akong gumalaw ng may kasama,habang tumatagal ang pagsasayaw ng may kasama may kakaiba na akong nararamdaman
nung umuwi ako galing sa praktis tanging nagawa ko lang ay humiga at mapahinga ayaw kong kumain o maglinis man lang,naiirita ako sa mga ikinikilos ko parang yung mga nangyari sa praktis ay paulit ulit sa isipan ko,minsan pumasok sa isip ko kung yung step ba ang nasa isip ko o yung taong nakasama ko.
naguguluhan ako...sa sobrang gulo ng isip ko natulog nalang ako at hinayaan na ang aking sarili na magpahinga
dumaan pa ang ilang pagpapraktis hanggang sa nakausap ko sya ng maayos
"taga san ka?"-tinanong nya ako pagkatapos naming ulitin yung step na pinapaulit ng nagtuturo saamin
"sa kandingan"-maikling sagot ko lang at umalis sya sa posisyon namin,kinausap nya ang iba naming mga kaklase

BINABASA MO ANG
forgive or forget
Teen Fictionminsan sa panibagong araw at lugar na iyong tatahakin,natatakot o nasisiyahan.panibagong may makikilala at panibagong inspirasyon,pero minsan hindi natin inaakala na mawawala kaagad ito na parang bula.sa mga tao ba nanakakasalubong mo o nakakasabay...