Chapter~1

8 0 0
                                    

~Matteo's POV~

   Nanginginig ang mga kamay kong inilapit ang susi sa lock ng locker ko. Pagkaikot ko ng susi at binuksan ko ito, nagulat ako sa nakita ko. Hindi nga ako nagkamali...

   Isang Red Card.. na may nakalagay na F4..

   Natigil na lang ako sa pag-iisip nang may tumawag sakin.

   "Kumusta ka Matteo ?"- isa sa mga nambubully sakin dito sa skwelahan na to.

   "Anong gusto mong gawin namin sayo ?"-sabi naman ng isa tapos ay inakbayan nya ako. Parami sila ng parami. Gaya nga ng inaasahan ko, malamang inutusan na naman sila.

   Tinulak nya ako. At sinimulan na nila akong bugbugin. 

   Tinutulak ko naman sila para makaalis ako at nagawa ko nga atsaka ako nagtatakbo.

   

   ~Jadyn's POV~

   Hi sa inyo. Ako nga pala si Jadyn Gemma.. 20 years old. Namumuhay lang ako ng simple kasama ang mama, papa, at ang kapatid kong lalaki na mas bata sakin. Kung tatanungin nyo ako kung may bf na ako, ha ! wala pa kasi wala pa sa isip ko yan. Inuuna ko muna yung pamilya ko. Pero yung pamilya ko naman sabi gusto na daw nila akong magka-bf at gusto daw nila mayaman ! Hay naku.

   Anyway nagba-bike ako ngayon hindi para mag-exercise kundi para mag-deliver ng pinalaban nyang damit. Oo yun ang ikinabubuhay namin. 

   Napahinto ako nung may nakaharang. Umatras ako papunta dun sa guard.

   "San ka pupunta ?"-tanong nung guard.

   "Ahh ehh kwan may delivery ako. Jadyn Dry Cleaners."

   "Ahh okay."- sabi nya atsaka nya pinindot para tumaas yung nakaharang.

   "Maraming salamat."- sabi ko atsaka na ako nagpatuloy.

   ~Matteo's POV~

   Pagod na pagod na ako. Kanina pa ako tumatakbo. 

   "Bilis ! Hanapin nyo !"- sabi ng mga humahabol sakin.

   Kaya no choice tumakbo ulit ako kahit na masakit na yung katawan ko dahil sa sugat ko dahil nga binugbog nila ako.

   ~Jadyn's POV~

   Pumasok na ako sa loob ng skwelahan. Pinasok ko na rin yung bike ko dahil tutal naman malaki naman tong eskwelahan na to.

   Bumaba na ako sa bike ko at bumaba sa hagdan para hanapin yung taong nagpadeliver nung mga damit sakin. Sa baba kasi may canteen daw dun at dun daw kumakain ang mga estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon