Paradise

5 0 0
                                    

   ~Prologue~

   Simula ng itinatag ang Shinhwa group, sila na ang naging Top sa bansa labing isang world class corporation, ito ang Shinhwa Group..

   Mula sa electronic goods, hanggang sa mga automobile, mula sa distribution hanggang sa communications. Naging bukambibig ang nasabing company. Ito na ang isa sa mga successful companies ng Korea. Nung kumita ang Shinhwa Group ng 800 million dollars sa kanilang exports, pinatawag ang chairman ng company sa tanggapan ng presidente. At sa halip na tanggapin ang medalya ng karangalan, sinabi ng Chairman, "Mr. President, hayaan po ninyong magtayo ako ng isang iskwelahan para sa aking apo." Ito ang Shinhwa School..

   Wala mang ganitong klase ng iskwelahan sa kasaysayan ng edukasyon sa bansang Korea, ang presidente ng mga panahong iyon, malaki ang paniniwala sa economic advancement kaysa sa edukasyon. Gumawa ang presidente ng Special Law upang maipatayo ang nasabing iskwelahan. Tinatanggap sa High Society ang sinumang magtapos sa nasabing iskwelahan. Ito ang iskwelahang itinayo para sa 1%, pinapasukan ng 1%, at nararapat lamang para sa 1%. Kung kaya, napanatili ang reputasyon bilang pinakamahusay na ilead institution. Kahit na ang mga nasa upper class, hindi rin makapasok sa nasabing iskwelahan. Ngunit, kung matatanggap, makakapagtapos ng pagaaral mula elementary, middle, at high school hanggang sa college. Kaligayahan at karangalan para sa mga magulang na matanggap ang kanilang mga anak sa Shinhwa School. Ganun din sa mga istudyante. Habang inggit naman ang nararamdaman ng mga tagalabas ng Shinhwa School. 

   Subalit, sa tinatawag na school of the rich and famous, isang di pangkaraniwang pangyayari ang nagaganap...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon