Intro

103 1 0
                                    

Hannah's POV

YEAR 2031

Nandito ako ngayon sa reunion ng Class 2010-2011 Grade 5 Section Virgo. Hay... how I miss those times. Heto ako, NBSB pa rin. Dyusme! Kasi naman eh. Ang daming kong problema sa buhay. Hmmf. Yung parents ko nga pala, seperated na. Hiwalay na. Ewan ko sa kanila, feeling teenager. Nandito ako sa mga drinks. Iinom ako ng juice. Sorry sila, hindi ako umiinom ng alak. Good girl ako. Lawyer kasi. Imagine! Kailangan kong maging disente.

"Hannah?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Kulang na lang lumubog ako sa kinatatayuan ko. OMG. Sya na ba talaga toh? Mas lalo kasi syang gumwapo. Mas naging masculine. Shemay. Siguro may asawa na sya. Nung kabataan kasi puro lang sya girlfriend.

"Ah eh... sino ka?" Pasimple kong tanong. Kunware di ko sya kilala para naman hindi nya mahalata na ako yung si Hannah na baliw na baliw sa kanya dati. Naku. Isipin ko pa lang yung kagagahan ko nung high school, nababaliw na ako.

"Oh c'mon. Kinalimutan mo na ako? Sabagay, matagal din tayong hindi nagkita. Ako toh si Rey Eugene Sanchez." Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Alam kong hindi ko dapat nararamdaman toh, matanda na ako masyado para kiligin.

"Ah... buti naalala mo pa ako. Matagal na rin yun di ba?" Sabi ko. Umaasa akong sabihin nyang gusto nya kasi ako kaya hindi nya ako.malimutan. Pero hindi ako dapat umasa kasi, masasaktan lang ako. Di ba?! Am I right?! Am I right?!

"Ah, kasi tumitingin-tingin ako sa mga dati kong mga picture. Ng bigla kong makita yung muka mo. Hahaha. Ang laki ng ngipin mo nun eh! Pero ngayon iba ka na." Napapout ako ng wala sa oras. Tss. Ang yabang kala mo kung sinong gwapo. Hmmf.

"Hmmf. Kung aasarin mo lang ako tumigil ka na. Sya nga pala, sinong kasama mo?" Sabi ko sa kanya. Ngumiti sya. Yung ngiti nya. Nakakatunaw ng panty. Hmmf. Naku, pinagnanasahan ko ba tong lalaking toh?

"Ahm, wala." So, wala ba syang asawa? NAKU! Bakit ko ba toh tinatanong sa isip ko. Alam ko naman na meron! Umaasa lang ako.

"So, kumusta ka na?"

"Ayun, heto ako. Single pa rin. Ewan ko ba kasi sa mga girlfriends ko eh. Bakit sila nakikipagbreak. Gwapo naman ako. Mabait sa kanila. Understanding. Pero bakit hinihiwalayan nila ako? Pambihirang buhay toh." Sabi nya. Napatawa ako. Napakakulit pa rin nya kahit matanda na.

"You mean, wala ka pang asawa? Oh my. Teka, ano gwapo? Ang yabang mo pa rin!" Sabi ko sa kanya.

"Gwapo naman talaga ako eh. Kaya nga crush mo ko nung Elementary tayo eh!" Sabi nya. Nanlaki ang mata ko. Dyusme. Naaalala nya pa yun? Ang tagal na nun eh. 21 years ago na. Pero naaalala nya pa rin. Naman! Hindi tuloy maiwasan ng sarili kong umasa na baka gusto nya ako kasi naaalala nya pa yung pagkagusto ko sa kanya nun.

"Noon yun noh. Past is past. Kalimutan na natin. So, wala kang asawa? Kawawa ka naman!" Pang-aasar ko sa kanya. Ang sarap nya talagang asarin. Ang pikon-pikon nya. Ang cute lang.

"Ikaw? May asawa ka na ba?" Sabi nya. Tumawa ako.

"Ako?! May asawa? You must be kidding me. Wala akong asawa. May balak kasi akong magpaka-old maid. Ayokong magkaproblema sa lalaki. Basta maayos akong nabubuhay, ok lang walang lovelife. At saka, matanda na ako masyado para atupagin yan. Magpapayaman na lang ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.

"Paano nangyari yun? Eh, ang ganda mo ngayon eh. Wala kang asawa?" Sabi nya pa sa akin. "You must be kidding me." Dugtong nya pa.

"Nakakahiya mang sabihin, NBSB ako. Ayoko kasing masapawan ng pag-ibig ang pag-aaral ko. Ayokong masira ang pag-aaral ko ng dahil lang sa pag-ibig." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako.

"Wow, grabe ka. Puro ka aral. Kaya pala ang bansag na sayo ay Atty. Hannah Salazar, CPA. So, mayaman ka na siguro ngayon?" Sabi nya sa akin. Umiling ako.

"Hindi naman masyado. Sapat lang ang kinikita ko para sa mga pangarap. Pangarap ko kasing magtayo ng bahay namin sa Bulacan. Tapos, business ko. Para naman hindi ako mawalan ng pera." Sabi ko. Ngumiti ako.

"Wow. Naakasipag mo naman. Ako nga eh. Engr. Rey Eugene Sanchez lang. Ikaw. Hay naku. Ang layo na nga ng narating mo." Sabi nya. Hindi ko toh mararating kung wala sya nung mga panahong yun.

"Ano ka ba. Hahaha. Wag ka ng mag-isip ng ganyan. At least may pangalan ka. Ako nga eh. Kakagraduate ko lang, pero bongga nakapasa ako sa Board Exam. 489 ang score ko over 500." Sabi ko pa.

"Sana talaga niligawan kita dati pa lang noh?" Sabi nya bigla. Nagulat ako sa sinabi nya. Wow ha. Seryoso sya? "Edi sana hindi ako nagsisisi na pinakawalan pa kita." AWKWARD.

"Huh? Ah... eh... Eugene kasi... ano bang pinagsasasabi mo?" Nahihiyang tanong ko. Naku. Ang tanda ko na para kiligin pero bakit pakiramdam ko, teenager ako at yung hormones ko. Nag-aalburoto. "Hindi kita maintindihan." Sabi ko pa.

"Hannah... mahal kita. Noon pa. Hindi ako makaamin sayo dahil nahihiya ako. Ikaw lang kasi yung babaeng bumusted sa akin noon. Kaya nahiya ako. Pero hindi nawala yung nararamdaman ko sayo. Hindi ko lang alam kung gusto mo pa ako." Natahimik ako. Ano bang dapat kong ireact?

***

End of Introduction. :> Musta?

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon