Chapter 15- insecurities strikes

428 10 0
                                    

A/N: pano ho ba ma wala yung insecurites ? kainis na naman T^T ,, i hate this feeling 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Celistine's POV

Andito kami ngayon sa classroom , just a ordinary day and its kinda boring hays. Absent kasi si mark eh ewan asan kaya yung baklang yun. Hindi pa kaya yun tapos sa pag boboy hunting ? tsk .

Ang boring tuloy. Si andrea kasi ayun parang wala din sa mood hays. Ano ba yan

"hay" sabi ko at bumuntong hininga ang boring . Si crush kasi ayun busy sa mga barkada niya. 

"HAY " sabi din ni andrea at katulad ko bumuntong hininga naman siya. Pareho na kaming naka panlubaba.

"ang boring naman " sabi ni andrea .

"oo nga eh, miss ko na si marky " sabi ko din. 

.

.

.

.

Lunch na. Grabeh na lagpasan namin yung ka boringan kanina ah .

Andito kami sa canteen at nakita ko si crush bumili ng pagkain kasama si cris. Kung hindi ko lang alam na tomboy si cris mag seselos pa rin siguro ako. Ang sweet kaya ni nila oh. 

Si ash kasi yung nag dadala sa tray ni cris at ayun nag tatawanan lang sila habang naglalakad . 

" alam mo tine, babae pa din si cris kahit sabihin nilang lalake siya " sabi ni andrea na naka panglubaba na hawak hawak ang straw .

" huh ? anong ibig mong sabihin ?" tanong ko.

"babae din siya pwede din siyang ma fall kay david" sabi niya na naka tingin kay ash and cris. Napa tingin naman ako sa kanya at ang seryoso ng mukha ha .

" ah ok" yan lang ang na sabi ko. Kaya napa tingin naman siya sa akin at ayun bigla ba naman niya akong hinawakan sa braso at yiniyugyug ako.

" kaya tine wag kang pa tanga tanga , dapat umaksyon kana " sabi niya habang yinuyugyug ako.

*BLAG 

" huy mga sessy anyare sa inyo " sigaw ni marky na at may pa hampas pa talaga sa mesa na siyang nakakapag gulat sa amin.

"TAE ka talaga marky eh wag ka namang mang gulat tch" sabi ni andrea at umayos ng upo .

" hi marky ba't absent ka ?" sabi ko kay marky.

"di ako na gising ng maaga eh heheh" sabi ni marky 

" haha yun lang ? " sabi ni andrea na nag sisip na ng buko . YEAH Buko yung sinisip niya meron kasi dito sa school yan eh yung buko parang gatas , ginagamitan din nila ng straw hehe.

" oo yun lang " sabi ni marky .

*ringgg

Naku bell na pala kaya ayun agad naman kaming tumayo nila marky. 

" hay salamat talaga na hindi ka umabsent kasi di na talaga boring yung day namin" sabi ko .

" so ibig sabihin kapag wala ako ang boring , ano ako clown ?" sabi ni marky .

" hindi naman, na miss ka nga namin eh " sabi ko . Pumasok na kami sa classroom at na abutan namin ang mag barkada . Si ash na naka akbay ni cris.

Umupo na kami sa aming mga upuan at habang nag didiscuss si maam napa isip naman ako dun sa sinabe ni andrea.

Buhay ng may CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon