OO o HINDI

2 0 0
                                    

OO o HINDI

 

                May mga bagay talagang hindi na pwedeng ibalik.. kahit gusto mo.

Habang pinagmamasdan ko ang aking mga medalya na pinilit kong makami, certificate ng karangalan …. Alam ko ….kulang pa ito… at alam ko hindi ito sapat para matakpan ko ang mga pagkakamaling nagawa ko… :’( ….

Tulad ng nakagawian , tuwing gragraduate si kuya laging may nakahandang blow out .. na halos  lahat ng mga kabarangay naming imbitado.. na hindi naman nagagawa sa aming limang magkakapatidd.. marahl dahil siya lamang ang nakapagbibigay ng karangalan sa buong pamilya, buod na grumaduate siya ng elementary at secondary ng first honor o valedictorian… grumaduate naman siya ngayon ng kursong civil engineering sa University of the Philipines sa Diliman  ng Summa Cumluade…

Lima kaming magkakapatid, dalawa kaming lalake  at tatlo ng babae.. pangatlo ako at si kuya pangalawa.. Sa aming lima masasabi kong napakaespesyal n kuya kasi sya lagi yung nabibigyang pansin ni mama at papa.. Tuwing birthday at kung anu- ano pang mahahalagang okasyon sa buhay ay hindi maaring palampasin at dapat i-celebrate… na kung ihahalintulad sameng 4 ay hindi manlang nangyayari….

Kabibigay lang noon ng class card ko.. kakaiba ito sa unang semester dahil ngayon halos lahat ng subject ko ay mga pasang awa ang marka… Nariyan yung 2.75 , 3.0 at 2.5 .. Ngunit ano pa nga bang magagawa ko nariyan na iyan..at tsaka kahit tumaas pa yangaya nung dati o unang semester na ang mga grade ay 1.25 at 1.5 hindi rin naman sila magiging masaya eih a ang response ‘’DEADMA’’..kaya para san pa at mag aaral pa ako…

Pag uwi ko sa bahay katakut takot na sermon ang aking natanggap.. ‘’Hindi ka na natuto, ang baba na nga ng kurso na kinukuha mo…. Ay hindi mo pa maipasa .. hindi ka tumulad sa kuya mo .. pulos papuri ang dala sa pamilya natin, di tulad mo pulos kahihiyan! Walang kwenta…’’ Atleast kahit masakit yung sinabi saken ni mama at papa .. okay lang atleast alam nilang nag eexist ako..kahit masakit.. masaya ako kase once in a life time napansin rin nila ako…  Oo wal akong kwenta.. oo nga naman para kasi sa kanila SUPERMAN si kuya.. pero sana na rin naman ako dyan eih… Rewind nga lang yan eh,, oo TANGA ako alm ko na yun…..diba paulit ulit na nila yang sinasabi kahit hindi literal na nababanggit… dahil kahit sa ultimo sa kaliit liitang kamalian ko alam nila… nariyan yung pagkabasag ko ng pinggan, pagsuot ng medyas na hindi saken, pagtimpla ng kape na wala sa tamang timpla, pagluluto ng ulam na maalat o walang lasa at pagsasaing na hindi tama sa tubig na kahit gaano kaliit tiyak na mapapansin nila.. di gaya ni kuya pag ngawa nya alinman sa mga bagay nay un.. wala syang maririnig ni isang salita na masakit kay mama at papa… ang tingin kasi nila kay kuay perfect son.. Wala nga akong maalalang bagay na pinuri nila ako eh…sa mga bagay na nagawa ko..( siguro kasi pulos kamalian lahat ng bagay na nagawa ko…ng isinilang ako sa mundo).. dahil kahit gumawa naman ako ng tama, sa paningin nila wala rin naming kwenta…

Miyerkules noon.. graduate na ako.. buti nga nakagraduate ako eih.. kung di pa nakiusap si papa sa isa kong prof.. tiyak di ako makakagraduate.. napagpasyahan kong mag aplay ng trabaho.. Pababa na ako ng hagdanan ng marinig ko silang nag uusap at nagtatawanan.. “Saan naman kayang trabaho mag aaplay yan si Yael… tiyak na hindi naman iyon matatanggap alam nyo na…. sabi ni kuya at kasabay nun ang mga malulutong na halakhakan ng aking mga kapatid kasama si mama at papa..  Hindi koi yon pinansin bagkus sinubukan ko pa rin . Nang hiram pa nga ako sa bestfriend ko ng sasakyan eih.. kahit pasira sira para hindi ako mahirap magbiyahe.. Nakakasampu na ata akong company na napuntahan ngunit sa malas kahit isa wala ng tumanggap sa akin .. Badtrip.. Naalala ko tuloy yung pangyayari sa bahay .. gusto kong magalit sa kanila.. bakit ganun lahat sila minamaliit ako…

Gabi na pauwi na ako at bigo ako sa aking paghahanap.. Nasa Vicente St. na ako ng Makita ko si kuya …sa di kalayua.. nasa labas sya ng sasakyan nya kasama si Ryei.. si ryei ang babaeng mahal na mahal ko at patuloy ko pa ring minamahal ang babaeng nagging girlfriend ko ng higit 5 taon .. ang babaeng  inagaw sa aken ni kuya.. ang punyal na kay talim ay unti unting  tumusok sa durugan kong puso… Ng aaway sila at hanggang sa lumapat ang kamay ni kuay sa pisngi ni Ryei.. dun biglang nagdilim yung paningin ko.. kaya kong tanggapin yung mga masasakit na salita na sinasbi nila saken ngunit ang saktan si Ryei nag hindi ko kayang mapatawad.. Yung galit, sakit biglang lumalala pumunta sa puso at umabot hanggang sintido.. hanggang sa minaniobra ko na yung sinasakyan ko payungo kay kuya.. upang “banggain siya”… ngunit ilang metro pa nag layo ko  HINDI KO PALA KAYA.. NAMAMAYANI PA RIN SAKEN YUNG PAREHANG DUGONG DUMADALOY SA AMIN.. nasa akin pa rin yung pagmamahal sa kanya bilang kapatid.. at kahit anong galit hindi nito kayang tabunan ang katotohanan na mahal ko pa rin sya dahil kapatid ko sya…  Pinatigil ko ang sasakyan ngunit ayaw gumana ng preno… ginawa ko ang lahat para patigilin nag sasakyan ngunit… ayaw talaga at kahit ang manibela ayaw gumana… hanggang sa.. hanggang sa… mabangga ko na si kuya.. L …

Namalayan ko na lang na unti unti ng tumutulo ang luha ko.. naghihinagpis ako sa nangyari.. at kung maari ko lang ibalik ang nangyari…ibabalik ko… hindi ko iyon ginusto , ngunit namatay siya dahil sa sasakyang sinasakyan ko at ang masakit dahil yun sa  pagtatangka ko na  patayin sya…  KASALANAN KO BA ANG NAGYARI??? OO o HINDI???

'LEENAM’s NOTES

>>>>> waaahh natapos ko din sya.. nainspired ako kay russel eihh.. hihi… actually matagal ko na tong nagawa kaso tinatamad ako magtype .. Thanks to russel :-* nainspired ako magtype..hihi sana po nagustuhan nyo.. sorry kong ito lang nakayanan ko .. hanggang dito na lang ata yung passion ko sa pagsusulat eih… hihi

Kamsahamnida sa mga bumasa.. lovelots… <3 <3 .. more power sa atin.. please support my story playful fate :D .. pers time ko po sumulat ng genre eh labstory … more on ganito ako eih.. :D

Sarangheyo Unnie, sunbae and maknae na nagbasa nito at magbabasa pa ulet ng iba ko pang story… :D.. wag po kayong magsasawa saken.. hihi :D

>>> always po nating  tandaan eventhough nararamdaman natin yung comparation between our siblings.. at lage natin silang nakakaaway (ganun poh kasi ako) sana poh  wag dumating yung point na sosobra yung galit natin sa kanila... kasi at the end of the day kapatid pa rin natin sila... spread love :D.. harthart

                                                                                                                                Leenam signing off :D




                

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OO o HINDI???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon