Tulirong Pag-ibig
Di ko talaga maintindihan o maunawaan
Kung pag-ibig ko sa’yo ba’y may kabuluhan
Tuloy ngayon ako’y hilo at naguguluhan
Kung ako ba’y sinusubukan o pinaglalaruan.
Kailan mo kaya mapapansin, pag-ibig ko’y totoo
Na sa iyong akala’y puno ng pagbibiro
Gayong ikaw lang ang s’yang itinuturo
Nitong puso kong sa iyo’y nagsusumamo.
Sabihin mang ako’y puno ng kahangalan
Sa puso ko nama’y walang alinlangan
Na ang pag-ibig ko’y sa’yo lang ilalaan
At mangangakong kailan ma’y di ka iiwan.
BINABASA MO ANG
Rebeldeng Krayola: Mga Tula Mula sa Puso at Baga
PoesíaMga tinipong tula mula sa isang malikot na imahinasyon at dalawang dosenang inspirasyon.