Chapter 3: Ivan

100 2 0
  • Dedicated to Con Diongzon
                                    

           IVAN'S POV

Eto parin ako hanggang ngayon nagsisisi at naghahanap ng katarungan para sa girlfriend ko. Hindi ako titigil sa paghahanap kung sino man ang pumatay sa kanya. Isang taon na din ang lumipas wala parin nagbabago sa kaso ng girlfriend ko tila kinalimutan na nila.

 At ang kuya niya.. hindi ko mapaliwanag kung bakit ganun na lamang siya kay Kristin kung bakit wala siyang pakialam sa kanyang kapatid. Anong klaseng kuya siya? Ang bilis naman niyang nakapag move on sa insidente ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak o lumungkot man lang.

Hindi ko na alam kung paano mabubuhay kung wala rin si Kristin sa buhay ko..

Osya nga pala gabi na matutulog na ako. Dapat maaga akong magigising bukas dadalawin ko pa si Kristin sa puntod niya. Ganun kasi ako bago ako pumasok sa eskwelahan e pupunta muna ako sa puntod niya o kaya naman pag tinatamad akong pumasok maghapon nalang akong nasa puntod niya. 

Haaaaaaaaaay.. Kristin bakit ka pa ba kasi nawala?

Kung alam ko lang na mamamatay ka sa gabing yun sana hindi nalang kita iniwan. 

Kinabukasan...

"IVAAAAAAAAAAAAAAAAN! GISING NA AT MAY NAGHAHANAP SAYO!" -INA NI IVAN.

Sa oras na yon e madali namang nagising si Ivan sa lakas ng sigaw ng nanay niya sa kanyang pangalan.

"HUH?? E wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah. Sino kaya yun?" Sambit ni Ivan sa kanyang sarili. 

"Hi Ivan. Kamusta ka na? Matagal na rin simula ng di tayo nagkita." Ang sabi ni Marie ang kaibigan ni Kristin at ang kasama niya sa Burger Stand kung saan siya nagtatrabaho noon.

"Oh ikaw pala Marie. Bute napa daan ka rito?" Laking pagtataka ni Ivan.

"Ikaw talaga ang sinadya ko rito Ivan."  -Marie.

"Bakit?" Ang tanong ni Ivan habang naka kunot ang kilay.

"May kailangan kang malaman Ivan. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero...." -Marie.

"Pero ano Marie? Sabihin mo na ng diretso." -Ivan.

"May nareceive akong text mula sa number ng girlfriend mo." Pag sambit ni Marie habang umaasa na sana maniwala si Ivan sa kanya.

"Imposible ang sinasabi mo Marie, matagal ng patay ang girlfriend ko!" Laking gulat ni Ivan sa sinabi ni Marie.

"Pasensya ka na Ivan pero totoo ang sinasabi ko, hindi ba ito ang number ni ni Kristin?"

Sabay abot sa phone niya kay Ivan.  Nagtext siya sakin  kagabe. 11:13pm pero ngayon ko lang nabasa.

Binasa ni Ivan ang text..

"MARIE HELP! PAPATAYIN NILA AKO"

BIGLANG NANGILABOT SI IVAN AT DI ALAM ANG GAGAWIN.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

-- Hi guys! Okay lang ba ang chapter na ito? Kindly put your comment. Thanks.

Sa tingin niyo sinong pumatay?  -- Find out soon. :D 

A MESSAGE FROM MY GIRLFRIENDWhere stories live. Discover now