Unang Kabanata

116 9 2
                                    

"Leave me alone! I'm going to jump off from this building if you go near me."

Huhuhu. Here we go again. Ayoko na ng ganitong eksena. Sawa na ako. TT_TT

Pupunta siya sa gilid ng rooftop tapos sasabihin na magpapakamatay siya kung lalapitan pero 'pag di naman nilapitan, magpapakamatay pa rin.

Bakit kaya ganoon ang mga tao, madaling sumuko sa buhay?

(A/N: No Offense Meant)

"Ang sabi mo, mahal mo ko. Pero anong ginawa mo? Niloko mo ko!" sabi ulit nung babae na nakatayo sa gilid nung rooftop.

Manloloko pala si kuya kaya gustong magpakamatay ni ate. Dapat yung mga manloloko na lang ang mawala sa mundo niyo!

"Hindi kita niloko. Please believe me, I loved you and forever will."

Love ka naman pala ni kuya eh. Maniwala ka daw! Huhuhu. Di ka naman pala niloko. Nag-aassume ka lang siguro na niloko ka.

"B-but I saw you. I saw you with her a-and you were kissing. The worst part is y-you're in your room for pete's sake!"

Oh, ikaw pala kuya ang may kasalanan eh. Bakit ka kasi nakikipaghalikan sa di mo girlfriend? Di pa ba sapat ang isa lang? Kailangan ba talaga dalawa para makuntento? Huhuhu. TT_TT

"I didn't initiate that kiss. She kissed me and I didn't kissed her back. Believe me," sabi naman nung lalaki na tumutulo na rin ang luha.

Dahil lang pala sa isang babae kaya sila nag-aaway nang ganiyan. Kailangan ba talagang humantong sa pagpapakamatay?

Mula rito sa rooftop ng katapat na building, tanaw ko ang lungkot at takot na ekspresyon ng lalaki.

Bakit ganoon? Parang ang babaw naman ng reason nung babae para magpakamatay. Marami namang ibang lalaki sa mundo nila.

"I'm sorry, babe..." She wiped her tears. "...but you don't deserve me and so do I. Thank you for the memories and for everything. Mag-iingat ka lagi ha. Goodbye ..." Itinapat niya ang kamay niya sa labi niya at umihip ng isang halik. "...Clark." Then she jumped from the building.

With that, tumakbo na yung lalaki palapit sa babae ngunit di niya na ito naabutan.

Parang drama lang sa TV itong napapanood ko. Huhuhu. Nakakaiyak siya, sobra. Pero ang pinagkaiba lang, walang 'happy ending' yung mga bida rito.

"B-babe, you said Forever! You said you'll grow old with me." Mas lalong lumakas ang kaniyang panaghoy. "Damn you for breaking your promise. D-amn you!" 

Patuloy pa rin ang pag-iyak nung lalaki habang nakatanaw sa bangkay na nasa ibaba ng building. Iyak pa rin ako ng iyak at unti-unti siyang napaupo sa sahig kasabay ng pag-agos ng kaniyang mga luha.

Kung kaya ko lang pigilan ang lahat, gagawin ko kaso may limitasyon ang kakayahan ko. Hindi ko kaya.

Pinunasan ko na rin ang mga luha ko na kanina pa tumutulo. Aish! Tama na nga ang drama.

It's time to do my job.

Tumanaw ako sa may ilalim nitong building kung saan nakahandusay ang walang buhay na babae.

Tsk. Tsk. Tsk. Makapunta na nga roon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fallen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon