Ballpen (One-Shot)

282 18 19
                                    


-
Her point of view

"Let's say that the x is 9 and the y is -14, can you plot the point? Anyone who can?"

Ayan nanaman yung teacher kong mukhang x at y.

"Sir" pag volunteer ni Matthew.

"Yes, Matthew" Tumayo agad si Matt at dumiretcho sa whiteboard. Ang hirap din gumawa ng graph ah. Syempre ito nanaman kami sa pag pla-plot ng points. Back to basic daw para lalong maintindihan pag nasa mas mahirap na topic na daw ay master na.

"Very good, Matthew. Thank you, you may now take your seat" Akmang maglalakad na siya pa-kanan pero napalingon siya sa gawi ko at sa kaliwang side siya dumaan papunta sa upuan niya.

"So, if you can see here the sign in quadrant I is always positive, always remember that when the point landed in quadrant I it's always positive okay?"

Pero bago siya makarating ay tinignan niya muna ko at sa tingin niyang yun ay alam ko na agad ang ibig niyang sabihin.

"Oo na"

Napahawak ako sa bibig ko ng tumigil si Sir sa pagdi-discuss at lahat ng classmate ko ay tumingin sa direksyon ko. At syempre doon ko lang na-realize ang mga nangyari.

"Ms. Alvarez, is there any problem?"

"N-None Sir. Sorry for the interruption"

"Can I continue now?"

"Y-Yes, please"

Dahil sa sobrang kahihiyan ay yumuko na lang ako since ten minutes na lang naman ay break time na.

"Prepare your assignment on Monday. Let's call it a day, goodbye class. You may now take your break"

Syempre dahil Math yan ay hindi muna sila naka recover yung iba nag u-unat, yung mga hindi naka-gets na nag sinungaling nung sinabi ni Sir kung naintindihan ba nila ay ngayo'y nag se-self study, yung iba tulala, karamihan naka move-on na at ngayon ay lumalabas na para pumuntang canteen. At ako ito naka-upo kumakain ng cheese cake na tag ten pesos binili ko dyan sa canteen bago pumasok.

"Ingat na ingat naman na hindi malaglag ni kapiranggot na piraso ng cheese cake na yan. Gutom na gutom?"

"Epal ka talaga, Cath, eh, no? Syempre tag sampung piso kaya to. Dyan nga sa labas sais lang ata o syete tong cheese cake na to tapos dito sampu? Abay! Hustisya"

"Luging-lugi? Akala ko ba yamanin ka?" Eto nanaman kami. Ang hirap kasi sa mga tao ngayon eh ang hirap maka move-on. Yung mga tamang ginagawa o sinasabi mo madali nilang nakakalimutan pero yung mga pagkakamali mo na minsan hindi mo naman sinasadya yun pa yung tumatatak.

"Ilang beses ko na bang sinabi na hindi nga diba? Yamanin pang jeep nga mamaya wala ko. Tyaka nasabi ko lang naman na yamanin ako noong FIRST YEAR pa tayo ay dahil peymwhore ako NOON. Move on nga, Cath"

"Aysus! Parang bini-biro lang eh. Bismode agad? Nga pala, ano bang nangyari kanina at na special mention ka ni Parisukat? Ay, ni Sir pala"

Bumuntong hininga muna ko bago sumagot.

"Si Matthew kasi, langya yun eh. Diba dumaan siya dito? Nanghihiram nanaman"

"Ay ganun? Si Matthew pala. Ay! Oo nga pala pupunta pala kong canteen. Sama ka?"

"Tara"

Sabay kaming pumuntang canteen ni Cath. Siya si Cathlean Sheyn Cruz. Maganda, mayaman, crush ng bayan, matalino, campus girlfriend, muse at higit sa lahat bestfriend ko.

"Oy, pare, si Sheyn"

"Mag hi ka, pre"

"Hi, Sheyn"

Ballpen (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon