Chapter 14

22 2 1
                                    

A/N: Sorry sa mga typo at wrong grahams

Selos

Allyson's POV

Nakarating kami ng maayos at walang galos na hanggang ngayon ay hindi pa din kami naguusap. Wala naman dapat , tsaka di kami close. ANG MALDITANG MAGANDA NA SI ALLYSON kakausap sakanya? The hell!

Nauna na akong maglakad sakanya dahil kakasabi ko nga HINDI KAMI CLOSE para hintayin ko pa siya. Nang malapit nako sa Gym naramdaman ko na may kasabay ako sa paglalakad, pagkalingon ko ay nandito na siya? Close ba kami neto?

Tinaasan ko nalang siya ng kilay at patuloy pa rin sa paglalakad .

"Sa tambayan niyo daw tayo dumiretso bago sa Gym" cold niyang sabi.

Agad naming tinungo ang tambayan namin Kung Saan doon kami palagi naguusap-usap kapag may nangyayari.

Pagkapasok namin sa tambayan namin ay agad na tumahimik ang paligid at parang mga nakakita ng multo, problema nito?

Agad na ngumisi si Sam na agad kong tinaasan ng kilay. Tuluyan nalang akong pumasok at umupo sa tabi ni Mika.

"Bakit kayo magkasama? Don't tell me may rela-------"

Hindi ko na agad to pinatapos sa pagsasalita niya at tinaasan lang siya ng kilay.

"Nuuh, ayoko nga kasama yan eh , and FYI WALA KAMING RELASYON" sinadya ko talagang lakasan yun dahil Kung ano-ano na naman ang mga iniisip nito .

"As if naman na magkagusto ako sayo". Cold na sabi ni Harold , inirapan ko nalang to at nagpatuloy na si Sam sa pagpapaliwanag Kung bakit kami nandito.

"So dahil malapit na matapos ang 1st Sem. naten at parating na ang Final Exam naisip ko na mag-group study kaya tayo? Tanungan bawat lahat para makatulong ganun." Paliwanag ni Sam.

"May sari-sarili naman tayong mga bahay , kaya bakit di nalang magsarili?" Pagkontra ni Harold na kinataas ko ng kilay. Kj naman nito.

"Kj mo naman pre! tulungan nga tayo diba? As a one team , tsaka wag ka ngang Ganyan para kang bakla". Agad na sinabi ni Steve na ikinatawa ng lahat.

Agad naman na sinamaan ito ng tingin ni Harold pero patuloy pa rin siya sa pagtawa

"Oo nga pre! Tara na sumama ka nalang". Sambit ni Carlos.

"So, btw saan ba kasi tayo Magi-stay para sa group study natin?". Tanong ni Ligaya

"Kila Mika or Ligaya , saan ba?".

Agad na umiling si Mika ng tawagin siya.

"Bawal sa amin kasi next week ay uuwi sila Lola dito galing state u know naman" ngumiti nalang ito pero halata ni Mika na nadismaya niya ang kanyang mga kaibigan.

"Same , sa ibang bahay nalang , kila Princess nalang kaya?". Agad na tumingin sila sakin ng banggitin ang pangalan ko ni Ligaya.

Tinaasan ko ito ng kilay pero tanging ngiti lang ang kanyang sinagot .

"Okay , I'll ask nalang kay Mom".

Agad na sumigaw naman sila na parang wala ng bukas.

"But, btw kailan ba natin umpisahan Yun? Kasi I think sa next next week ay Finals na natin" komento ni Maureen.

"Next week agad , Siguro pagkatapos ng practice sa Pageant ni Princess , at Sayaw natin pagkauwi natin ay sa sari-sarili muna then sa Wednesday tayo magkikita Kita para mag-group study ng kalahati , then Thursday and Friday tatapusin natin yun , then sabado Compilation tayo ng mga kailangan natin but sa hapon ay mag-group study ulit tayo hanggang linggo , nagkakaintindihan?". Paliwanag ni Sam . At sumang-ayon naman ang lahat.

I Accidentally Fell inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now