Chapter 3: Lovely Voice

0 0 0
                                    

Steven's POV

I can't forget that girl  singing at the music room, her lovely voice I can't forget it. I want to hear it again.

I'm on my way to school.
Mabilis kong ipinark ang kotse ko at pumasok sa loob. Eto na naman ang mga babaeng iritan ng iritan, nakakarindi na.

"Wahhhh ang gwapo ni Steven."
"Oo nga..!!".
I know...no need to mention it

Paulit-ulit ko ng naririnig yan from them. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating sa room namin. Section A.

"Good morning Steven!," bati sakin ni Charlotte. I ignore her. I don't want to see her fvcking face. Pinahiya niya yung babaeng nagugustuhan ko.

"Good morning Dude!", bati sakin ni Hiro.

"Good morning!," bati ko sa kanya.

"Bakit naman hindi mo pinansin si Charlotte?," pang asar na tanong niya.
Hindi ko na sya pinansin, umupo na lang ako sa upuan ko.
Dumating na din si Ma'am Pineda kaya hindi na sya nangulit pa.
May kasama sya at yun ay si----- yung babae sa music room?!.

"Good morning class this is Yumi Gutierrez your new classmate...she's a transfer from Laurent Academy. Sa Section B sana sya pero nung nakita ko ang mga grades nya na matataas, pinalipat ko sya dito," pakilala ni ma'am kay Yumi.
Soo magiging classmate ko sya?

"Nice to meet you all!," nakangiting bati nya. Ang cute nya kapag nakangiti.

"Okay upo kana. Dun ka sa tabi ni Mr. Kang," turo ni ma'am sa tabi ng upuan ko! Unti unti syang naglakad palapit.

"May I seat here?," tanong niya. Tumango naman ako at tumingin ulit sa harapan kung saan nagsisimula ng magdiscuss si ma'am Pineda.

Discuss
Discuss
Discuss
Test...
Lagi namang nagpapatest si ma'am pagkatapos ng discuss nya para malaman kung nakikinig ka ba talaga.

" Okay! Only one got a perfect score! Ms. Yumi! you got the perfect score..hindi talaga ako nagkamali na ilipat ka dito sa section A good job!," anounce ni ma'am. Wow?! Matalino pala sya. Nataasan pa niya si Charlotte. Dati-dati kasi sya lagi ang nakakaperfect or ang highest samin pero ngayon hindi na, kasi mukang si Yumi na ang papalit sa kanya.

Tumingin ako sa gawi ni Charlotte kita ko ang pag kainis sa muka niya kasi nataasan siya ni Yumi.

Kahit kailan talaga ayaw na ayaw niyang matataasan. Gusto lagi siya.

"Okay class dismiss."

Kita ko ang masamang tingin ni Charlotte kay Yumi pero itong si Yumi hindi namamalayan na pinapatay na siya ni Charlotte sa tingin.
Maya-maya dumating na ang sunod na teacher namin si Sir Dj. Teacher namin sa Music.

"Good morning class,"bati ni Sir, napatingin siya sa gawi ni Yumi."Oh Yumi bakit andito ka?", takang tanong niya kay Yumi.

"Ahh Sir nilipat po ako ni ma'am pineda dito," magalang na sagot niya.

"Ahh okay...hindi ka ba magpapratice?", tanong ulit ni Sir kay Yumi.

"Hindi na po, makikinig muna po ako sa discussions...", sagot nito.

"Oh siya sige siguraduhin mong may kakantahin ka bukas?," sabi ni Sir.
Tumango naman si Yumi bago umupo.
Soo kakanta pala ulit siya...

"Sir ano pong meron bukas?," wala ano-ano'y naitanong ko.

"Hindi mo alam? Bibisita si Chairman dito yung daddy mo," sagot ni sir. Ayyy oo nga pala nakalimutan ko. Tumango na lang ako. Nagsimula ng magdiscuss si Sir kaya nakinig na lang ako.
Discuss
Discuss
Discuss...

*KRINGGG.....KRINGGGGG...KRINGG..*
Tumunog na ang buzzer...recess na!

Mabilis na lumabas si Yumi. San kaya pupunta yun?

Yumi's POV

*KRING...KRINGG....KRINGGG...*

Mabilis akong lumabas para puntahan si Kiera kasi may usapan kaming sa Canteen na lang magkita kasi nga hindi na kami magclassmate kaya hindi na kami magkakasabay. Tuwing recess at lunch lang.
Pagpasok ko sa canteen nakita ko siya roon, mukang may inorder na siya.

"Sorry ha?! Kanina ka pa ba dito?", tanong ko sa kanya, umiling naman siya.

"Hindi naman! Kamusta ang bago mong classmates?",tanong niya habang kinakain ang burger.

"Ayos naman," sagoy ko.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain kasi baka malate pa kami kapag nagkwentuhan lang kami dun.

"Wahhh si Steven ang gwapo niya."
"Ang cute talaga ni Hiro."

Ayan na naman ang mga babae sa iritan nila. Hindi ko na lang sila pinansin tinuloy ko na lang ang kinakain ko.

"Look who's here?!," ayan na naman siya. Hindi ko na lang sila pinansin alam ko namang manggugulo na naman. Tapos classmate ko pa siya haistttt!
May bigla na lang akong naramdamang tubig sa muka. Ito na naman po tayo.

"Ano bang probleme mo?!," tanong ko sa kanya. Kapag hindi ako nakapagtimpi papatulan ko na itong babaeng ito.

"Hindi mo alam?!," tanong niya sabay tawa ng nakakaloka.

"Wala naman akonh ginagawa sayo ah!," sagot ko habang pinupunasan ang basa sa muka ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Kasi galing-galingan ka sa klase tapos inagaw mo pa ang pagiging top 1 ko sa klase at talagang sinusubukan mo ako!," yun lang ba?! Grabe ang babaw naman.

"Ang babaw naman ng dahilan mo."

"At hindi pa yun bakit dun ka umupo sa tabi ng upuan ni Steven?," inis na tanong niya.

"Eh yun lang naman ang vacant na upuan ehh anong magagawa ko?!," inis na tanong ko sa kanya. Pati ba naman yun binibigyan nya ng malisya. "Kung gusto mo palit na lang tayo ng upuan," dagdag na sagot ko.

Bigla na lang lumapat ang mga palad niya sa pisngi ko. Ang sakitttttt!!!

"Pvta ano ba talagang problema mo?!,"inis na sigaw ko sa kanya.

"Aba lumalaban kana ahhh!."

Sinampal niya ulit ako bago sinabunutan.
"Charlotte tumigil kana Ano ba!." maluha-luha kong sabi. Kasi sobrang sakit na ehhh. Pero hindi pa rin siya nagpatinag tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. Ang sakit ng pwettt ko!
Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Kiera kasabay nun ang pag-alis ni Charlotte.

"Yumi ayos ka lang?," nag aalalang tanong niya sakin. Tumango naman ako bagi tumayo naglakad na ako palabas ng canteen narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Kiera pero hindi ko siya pinasan nag okay sign na lang ako para hindi na siya mag alala.

Naglakad ako hanggang sa makarating sa Cr. Maluha luha akong pumasok roon at nagbihis pagkatapos inayos ko na ang sarili ko. Buti na lang at lagi akong may dalang pamalit kasi alam ko na, na baka gawin ulir sakin iyon ni Charlotte.
Tumulo na ng tuluyan ang luhang kanina pang gustong tumulo. Hindi ko na talaga kaya.

Pinunasan ko na ang tumulong luha sa pisngi ko bago lumabas ng Cr at bumalik sa Classroom.

Pagpasok ko nakita ko si Charlotte na nakangisi sakin hindi ko na lang yun pinansin at dumiretso sa upuan. Nakita ko duon si Steven na busy sa pagbabasa, ilang saglit tumingin siya sakin pero umiwas ako ng tingin bago umupo inisod ko muna ang upuan ko palayo sa kanya para wala ng sabihin pa yang si Charlotte.

Mukang napansin ni Steven ang paglayo ng upuan ko sa upuan niya pero wala na siyang nagawa kasi dumating na ang sunod na teacher namin.

Nagdiscuss na lang sila hanggang sa maglunch. Pumunta ako sa canteen para kitain si kiera buti na lang hindi na nanggulo si Charlotte, pinagtitinginan ako ng mga studyanteng nadadaanan ko. Hindi ko na sila pinansin.

Matapos ang lunch diretso sa room ganun pa rin masama parin ang tingin sakin ni Charlotte kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

Pagod na ako kahit ilang araw ko pa lang nararanasan ang pananakit sakin ni Charlotte napapagod na ako. Hindi na ba talaga siya titigil?.

Sorrh po sa mga wrong grammar at wrong spelling...✌

Please vote and follow me for more stories.

#astroeum.
#eunwoo.

A Twisted love storyWhere stories live. Discover now