Chapter - 11

1.3K 38 0
                                    

Hindi na namin hinintay sila Kier na sunduin kami ngayon umaga nauna na kami sa school. Kasi itong si Alexa galit yata kay Sam hindi ko alam kung bakit.

"Bakit ba kayo ng away?" tanong ko sa nakabusangot na katabi ko.

"Tinulugan kasi ako"

"Yun lang ? Para ka namang bata"

Tinarayan nya lang ako tsaka muling ng mukmuk, kala ko pa naman ang laki ng problema nila.

"Ano papasok na ba tayo? O hihintayin pa natin sila "

Nakatambay lang kasi kami dito sa labas ng gate kasi medyo maaga pa.

"Hintayin na natin"

"Di rin matiis hahaha"

Hangang sa may humintong pamilyar na van sa harap namin at lumabas dun ang nakakunot na noo ni Sam at Kier.

Pinuntahan agad ni Sam si Alexa.

"Bakit na una na kayo samin?"

Tinuro ko si Alexa at Sam na nagtatalo sa gilid. Nagkibit balikat nalang si Kier.

"Kain muna tayo medyo maaga pa" sabi ko

Hinila ko sya pero hindi sya ng padala sa akin. Tiningnan ko sya parang malungkot ang mga mata nya.

"Hey, anong nangyari panda?" i asked

Yung kaninang malungkot nya muka ay biglang lumiwanag.

"Say it again" sabi nya tsaka hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Alin? Yung panda?"

Natawa ako kay Kier dahil ang OA ng reaksyon nya. Hindi ko kasi sya madalas tinatawag na panda sa personal sa chat lang lagi.

Bigla nalang nya ako niyakap na kala mo ay isang batang binigyan ng candy. I smiled. Isip bata din pala to.

"Even I don't like the reason

"Even I don't like the reason

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

why you called me panda. Nagiging gusto ko na pag galing sayo"

"Ako lang tatawag sayo nyan ah" i said

"Of course, ikaw lang naman ng sabi na muka akong panda. Tsk, ang gwapo ko namang panda"

Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin "Tara na nga biglang humangin eh"

Inakbayan nya ako tsaka sabay kaming pumasok sa school. Hindi na ako nagtaka kung may mga matang nakatingin sa amin sa araw araw na pagpasok naming magkasabay na sanay nalang ako. Tsaka lagi akong sinasabihan ni Kier na wag nalang sila pansinin.

Pagpasok palang namin sa room rinig na namin ang ingay ng mga classmate namin.

"Guys, sabi ni Ms. Salcedo na suspended daw yung klase kasi may urgent meeting daw sila"

Make It With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon