C u R s E

54 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa parke na nakaupo sa malalambot na damuhan habang nagbabasa ng storyang pinamagatang 'Deleting Feelings.' Tahimik akong nagbabasa hanggang sa may biglang nagsalita.

"Ah miss pwedeng makitabi? Kung okay lang sana." may nahahagilap akong mga paa na nakatayo sa harapan ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, malaki naman ang espasyo kasi walang masyadong mga tao pero ba't tatabi pa sa akin? Binalewala ko nalang at marahan akong tumango sabay ligpit ng mga gamit ko saka tumayo na.

"Miss teka lang, tatabi lang naman ako 'di naman kita pinapaalis." rinig kong sabi ng isang boses.

Nilingon ko siya, at nakita ko ang isang lalaki. Maamo ang mukha nito at matipuno ang katawan. Mas matangkad sakin at moreno ang balat niya na bumagay sa maaliwalas na itsura nito.

"Okay lang aalis na rin naman ako." sagot ko saka tumalikod ulit.

'Di paman ako nakakahakbang ay nagsalita ito ulit.

"Gusto kitang tabihan kasi pakiramdam ko ang lungkot mo at kailangan mo ng karamay. Hayaan mong magpakilala ako, Nathaniel Thaddeus. Nathan nalang. Ikaw anong pangalan mo?" ramdam ko ang mga yabag nito sa papalapit sa akin.

Matiim kong sinara ang mga mata ko. Sa lahat ng mga tanong, ang pinaka-ayaw kong tinatanong ay ang pangalan ko, sapagkat ang huling sumambit nito ay napahamak. Hindi, lahat ng sumasambit nito ay napapahamak. Ayoko na sanang maulit pa, tama na.

"Mauuna na ako." saad ko na nagmamadaling humahakbang papalayo sa kanya.

"Teka miss sandali lang!" rinig ko pang tawag nito sakin pero 'di ko na ito nilingon pa at mas binilisan pa ang lakad ko, hanggang sa naging takbo na ito.

Medyo napagod ako mula sa pagtakas sa lalaking iyon at sakto namang may isang bench na nasa lilim ng isang puno ang nadatnan ko. May ilog din itong matiwasay na umaagos. Sa kabilang banda ay mga nagtataasang puno at ang agaw pansin na mga naglalakihang bundok sa likod nito.

Umupo ako sa bench at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hinayaan ko munang maaliw ang sarili ko sa magandang tanawin.

"M-Miss n-naiwan mo 'to. Ibibigay ko sana sayo kaso makatakbo ka naman akala mo isang kriminal at mamamatay tao ang nakasunod sayo." tumayo lahat ng balahibo ko sa biglaang nagsalita. Hingal na hingal ito na akala mo galing pa sa isang marathon.

Balak ko na sanang tumakbo ulit papalayo sa kanya ng bigla niyang nilantad sa harapan ko ang isang keychain.

Oo sa akin nga ang keychain na inabot nito. Isang maliit na teddy bear na kulay brown, may kasama itong maliit na kahoy na may inscription.

"May nakasulat pala? Ngayon ko lang napansin. Hmm... My Cur-" tangkang pagbabasa niya sa nakasulat sa maliit na kahoy.

"Akin na!" ani ko sabay hablot sa keychain ko pero 'di ko pa man ito naaabot ay itinaas niya ito papalayo sakin.

'Aba' y inaano ko ba 'to?! Porke mas matangkad!' Inis kong banggit sa aking isipan.

"Unfair naman nun ako lang nagpakilala, sabihin mo muna pangalan mo saka ko ibibigay sayo 'to. Tsaka para fair na din." ngiting banggit nito sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am Curse {ONE-SHOT} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon