02

1.1K 12 2
                                    

Chapter 2

Intramurals 

October 7, 2019
Excited na excited na ako, syempre intramurals kaya ngayon. Excited na nga akong ma marriage booth, joke lang ayaw ko nga ma babad trip lang ako.

Pagkapasok ko sa university namin ay agad kong nakasalubong si Kimberly.

"Hoy Tamtam, samahan muna ako kumain" Aniya.

"Kiss muna" Biro ko.

"Ew, nakakadira ka!" Aniya

"Eto naman hindi mabiro, sige na nga" Aniko.

Pumunta na kaming cafeteria kasi kakain daw ang magaling kong bestfriend.

Chineck ko ang phone ko at 8:00 a.m pa, 9:00 a.m pa mag oopen lahat ng booths. Kaya nag facebook muna ako at  tuwang tuwa ako kasi andaming memes kaagad.

Kimberly's POV

Habang kumakain ako, bakit kaya ang tuwang tuwa ni tamtam sa kanyang cp. Baka may nag chat na sa kaniya. Tingnan nalang natin kung di pa ba siya papalag sa mangyayari mamaya. Gusto ko sanang ipa jail booth siya kay Lemuel. Gagawan ko rin yan ng plano.
Meron naman akong kaibigang boy scout at for sure matutulungan niya ako.

Tamtam's POV

Kaya pagkatapos kumain ni kimberly ay pumunta na kami sa ibang booths. Naglakbay kami halos ilang oras narin ang nakalipas.

Pumunta kami sa labas ng library at may mga upuan na available doon. Kaya nag ccp nalang kaming dalawa, wala kaseng magawa.

"Punta muna ako sa cr ah" sabi ni Kimberly sa akin.

Kimberly's POV

Tinawagan ko si vincent ang kaibigan kong boy scout.

"Vincent, nasaan ka? kailangan ko ng tulong"Sabi ko sakanya.

"Nandito ako sa booth namin,tumutulong akong manakip ng mga tao para sa jail booth namin."
sagot niya.

"Tulungan mo sana ako,dakpin mo yung kaibigan ko na nasa labas ng library naka upo siya don at dakpin mo rin si Lemuel yung kasama mo sa bsp." sabi ko kay vincent.

Um- OO naman siya at sa tingin ko ready na ako. Nagpasalamat rin naman ako sa kaibigan kong si Vincent.

Goodluck nalang sayo Tamtam.

Tamtam's POV

Antagal naman non, lalaro muna akong ml.

"Sumama ka sa akin" Nagulat nalang ako nung bigla niyang tinakpan ng tela ang mga mata ko.

"Ayaw ko nga,sagot ko naman sakaniya. " Pero di ko napigilan at dinala niya ako sa kanilang booth na JAIL BOOTH.

Napadpad ako dito sa isang room na tahimik at tinakpan niya ang mga mata ko ng isang tela. Pinaupo niya ako at hinubad ang telang nakahandusay sa mga mata ko.

Pag kita ko "Hala si lemuel yan ah."

Ano na naman tong pina plano ni Kimberly. Hayss okay lang crush ko din naman si Lemuel, at siguro i enjoy ko nalang ito.

Nagulat ako ng biglang umalis ang nandakip sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Lemuel.

"Mukha ba akong okay?" Aniko.

"Ay sorry, HAHAHAHAHA " Aniya.

Tumatawa pa nga ang mokong. Hays nakakainis talaga to. Nakakainis talaga siya!

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon