"Huling Hiling"

80 10 3
                                        

Huling Hiling.
✍️Kreed/Caycay
@Kreed

I have a girlfriend at sa RPW ko sya nakilala, alam ko kung ano yung boses nya, mag 1 year na rin kaming mag jowa, Halos lahat ng tropa ko ay kilala sya bilang girlfriend ko, At sabi pa ng iba samin wala daw makakatibag ng relasyong meron kami..

Nag ring ang cellphone ko na agad ko namang sinagot dahil si Allie ang tumatawag..

"Hi babi.." Bati ko napa chuckle sya, argh ang cute talaga ng boses nya..

"Kumain kana?" Tanong nya sa kabilang linya

"Oo, ikaw babi?"Tanong ko naman sakanya, agad naman syang nag-oo..

"Bye na babi, may gagawin pa pala ako.."Di pako nakakapag salita ay inend nya na yung call, napa sigh na lang ako, whats up with her?di naman sya ganon dati, napaka daldal nyang babae..

After 1 week pansin kong nagiging busy na sya na dapat hindi, kase sabi sakin ng mama nya, Wala naman syang pinag kakaabalahan sa bahay nila..

Kaya napag disisyonan kong tawagan sya..

Naka sampung ring ata bago nya sagutin ang tawag ko, kaya naka simangot ko syang binati kahit alam kong di nya makikita ang nakasimangot kong muka..

"Hi Kreed."Bati nya pa balik sa akin sa kabilang linya..lalo pakong napa simangot dahil sa malamig nyang tugon sakin..

"May problema ba tay—"Para akong nabingi ng bigla nya akong patayan ng tawag, Medyo nasasaktan na din ako, hindi naman sya ganyan eh..
-
Napag disisyonan kong kausapin mismo yung bestfriend nya..

"Asaan si Allie?"Tanong ko sakanya sa chat, sineen nya to at nag send ng emojing nag tataka..nainis lalo ako sa nireply nyang bestfriend nya..

"Wala na kayo diba?"Reply nya, "Tyaka sinaktan mo sya bat mo pa sya kakamustahin sakin? Boyfriend nya yung Tropa mong si Klinch."sunod nyang reply..

Para akong na glue sa kinauupuan ko..

Napag disisyonan kong ichat si Allie, "Ano yung sinabi ni Pluma na break na tayo?at bakit si Klinch? Bat di ka nag sasabi?"Sunod sunod kong tanong sa chat..

Ilang minuto ang lumipas at sawakas nireplyan nya na din ako.. "Tigilan mo nako Kreed, Ayoko na sayo..Break na tayo."At mabilis pa sa alas kwatrong blinock nya ako..

Tinawagan ko sya gamit ang kanyang number na sinagot naman nya agad, unti unting tumulo ang mga luha ko knowing na masasayang ang mag iisang taon namin..

"Pwe-pwede ba tayong mag kita?"Agad naman syang nag-oo sa kabilang linya at sinabi nya din ang lokasyon..
-
Pag dating ko sa lugar kung saan kami mag kikita ay nakita ko agad syang prenteng naka upo sa bench..Agad akong umupo sa tabi nya..

Kinuha ko ang gitara ko kasabay ng pag harap sakin ni Allie, agad ulit tumulo ang luha sa aking mga mata..

Tumingala ako at huminga ng malalim..

"Kreed.."Agad kong tinapat sa labi nya ang isa kong daliri senyas na pinapatahimik sya..

"Ako...ako muna Allie.."Nababasag ang boses kong sinabi ito sakanya nang deretsong nakatingin sa mata nya..

"Di..di ko aakalain na..dito..dito lang tayo matatapos, binuo kita..binuo kita eh tangina.."Napatawa ako ng mahina sa sinabi ko at inihilig ang ulo ko sa may kamay ko para suporta sakin..

"Mag..mag iisang taon na tayo Allie, bakit ngayon pa?"Agad agad dumeretso ang mga luha ko pababa sa aking pisnge habang si Allie ay panay ang hinga ng malalim..

"Ba-bago moko iwan Allie..huling hiling lang...huling..hiling..hayaan mong kantahan kita..promise..pro..promise di na ako mangungulit.."Agad kong inihanda ang gitara ko..

"Kreed—"Umiling ako at pinigilan si Allie-ng tumayo..

"Ngumiti kahit na..napipilitan kahit na sinasadya..mo akong masaktan paminsan-minsan bawat sandali nalang.."Kanta ko, Mag iisang taon kitang minahal, mag iisang taon tayong bumuo ng mga ala-ala, para sakin itong sakit na ito lang ang makakapatay sakin, sobrang sakit..

"Tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka..Di..di ko na kaya pa na kalimutan bawat sandali na lang.."Kanta ko sa sunod na linya, nababasag nadin ang boses ko dahil sa daming luhang naiyak ko, Lalake ako at akala nila hindi nasasaktan ang mga lalaking katulad ko, pero ito..itong mawala ang pinaka mamahal ko sobrang sakit..

"At aalis..magbabalik..at uuliting sabihin...na..na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan sa pag alis, ako'y mag babalik at sana naman.."Napa pikit ako dahil pumipiyok na din ako, lalo akong naiiyak dahil naririnig kong umiiyak ang mahal ko..

Nagulat ako ng tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit, Sana..sana maulit patong yakap nya sakin, Akin lang tong yakap nato eh..kaso bakit lalayo?

"Sorry..Sorry Kreed..Mahal na mahal kita..pero mas mahal ko sya."Napa balik ako sa upuan ko ng marinig ang mga salitang yan na lumalabas sa bibig ng aking mahal..

Pinanood ko syang umalis, pinanood ko syang mag lakad palayo sa ala alang binuo namin na mananatili nalang na ala-ala..para sakin ito ang pinaka maganda at pinaka masakit na storyang nangyari sa aking buhay.

Paalam at salamat sa ala-alang binuo nating dalawa Allie.
✍️Kreed
@Kreed
Fiction.

One Shot Stories - KreedStories to obsess over. Discover now