"May misyon ka ngayong araw na ito..."
"Ano po iyon God? Mahirap po ba iyon? "
Tanong ko dito ang pakpak ko ay handa ng lumipad. Sa ilalim ng ulap napansin ko ang isang lalake na nasa tuktok ng isang mataas na gusali. Nakatingin ito sa baba at tila bang walang emosyon. Dahil dito nanlaki ang mga mata sa takot huwag mo sabihin....
"Kailangan niya ang tulong mo. Iyong kanyang tulungan at bantayan mo sya. Kailangan mo rin na ipakita ang halaga ng buhay ng siya ay maging maayos... Kakayanin mo ba ang misyong ito? Selene?"
Napatungo ako at napangiti. Nais ko talagang makatulong sa Tao na ito. Isa pa masama kung gagawin niya ang bagay na yan.
"Makakabalik ka lamang kapag talagang naayos mo na itong misyon mo. Ngayon ikaw ay bumaba na't puntahan mo ang lalake na yan upang Iyong tulungan"
Sa oras na iyon ay bigla along tumalon pababa't ibinuka ang pakpak ko para lumipad at gawin ang misyon ito.
Sa pagbaba ko nagulat ako nung ang lalaki na aking tutulungan ay ipinikit ang mata't tumalon at nagpakahulog sa mataas na gusali.
Aster's POV
October 1 ,2019
Ayoko na napapagod na ako.... sawang sawa na ako sa buhay Ko....Hindi Ko na talaga kaya.....Lahat ng bagay nawala na sa akin. Pamilya,kaibigan,pera,trabaho at . Ano to? Talaga bang minamalas ako. Para bang Nasa sakin na ang Lahat na paghihirap at problema... halos wala na ako magagawa. Dumagdag pa ang mga problema at negativities na nararamdaman ko.
Sa oras na iyon ay ipinikit ko ang Mata ko at tumalon at nagpakahulog sa gusali. Katapusan Ko na ito....
Pero bigla ako nagulat...
Ano to? Para bang may malambot ang nakahawak sa akin at kahit nakapikit ako para bang may kakaibang ginhawa ako napakiramdaman.Sa pagmulat ng aking Mata ay may nakita ako isang babae na may pakpak na kulay nyebe. Hawak Hawak niya ako. Ewan ko ba kung matatakot ba ako o nananaginip lang ako Pero may kakaiba Talaga dito. Hindi ko na namalayan na nawalan na pala ako nang Malay.
Sa pagmulat ng aking mata ay nagulat ako nang natagpuan ko ang sarili ko na nasa kwarto pala ako. Teka bakit ba nandito? Sa huling pagkakatanda ko ay nasa building ako at nagbabalak na magpakamatay. Teka bakit nga ba ako nandito?
"Ano pakiramdam mo?"
Nagulat ako nang may nagsalita. Isang babae na may mahaba at itim na buhok na may bilog sa ibabaw ng kanyang ulo at may gintong kulay na Mata. Nakasuot ito ng puting dress at para bang may malambot at kulay nyebeng pakpak.
ANO ANG GINAGAWA NG BABAENG ITO SA KWARTO KO AT SINO SYA?!
Makikita sa kanyang mukha ang pag- aalala. WAIT LANGGG!!!
"SINO ka ba?! Ano GINAGAWA mo sa KWARTO KO?!"
SINO ba naman ang hindi magugulat kung ikaw ang nasa sitwasyon KO.
"Ako?? Ako yung nagligtas sayo. Isa nga pala akong anghel ang ngalan ko ay Selene"
Selene? At wait ... anghel.....
"WAAHHHHAHAHAHH"
"Ano ang nakakatawa?"
She tilt her head which makes her more innocent.
"Anghel?sorry miss kung pinagtritripan mo ako pwede ka na umalis. Atsaka bakit ba nandito ako. Kung tama ang pagka ta-"
Bigla niya ako pinutol nung icinontinue niya ang sasabihin ko...
"Nagbabalak ka magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa pinaka mataas na gusali diba? Iniligtas kita Saka alam mo ba Yang ginagawa mo ay kasalanan yan sa Diyos Yang gagawin mo . "