2

48 0 0
                                    

Third Person's POV: 

3A.. 3 Angels. Iyan ang tawag sa kanila, dahil sa kanilang gandang mala-anghel, kanilang mga talino, at sa kanilang mala-anghel na mga personalidad, well im not really that sure about the last one. Isa sila sa mga babaeng kinahuhumalingan ng mga lalake sa kanilang paaralan.

Iyan ang 3A. Hindi naman talaga iyan ang pangalan ng kanilang grupo, pero iyon ang tawag ng kanilang "fans'' sa kanila. What does 3A stands for? 3A; Amara, Arabella, and Adella. Ayos di ba? Sila na may fans club.

"Ayan na ang 3A!" Sigaw ng isang babaeng naka glasses at naka ponytail na siya namang pumukaw sa atensyon ng mga lalaki at nagpapogi sa harap ng tatlong nagsidaanang babae.

Amara Anastacia Montemayor- ang boyish sa kanilang tatlo. Mabait sa mabait, pero huwag kang magkakamaling awayin siya dahil mas maldita pa siya sa kahit sino. Oo, peksman! No boyfriend since birth. Mataas ang standards, mas mataas pa sa pinaka mataas na building dito sa mundo. 

Bunso sa dalawang magkapatid. Snob. Pilosopa. 

Arabella Yvonne Torrez- ang girly sa kanilang tatlo. Mayaman. Maganda. Friendly pero hindi sa lahat. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka maarte, fashionista, matagal mag-ayos, maraming drama at siya ay conyo. She already had 3 boyfriends. Longest relationship is 6 months. Mataas ang standards, but not like Amara's. 

Only child. Proud Maarte.

Last but not the least, Adella Margaux Hembrador- ang masasabing "Anghel" talaga. Kung ikukumpara silang tatlo, siya ang pinaka mabait sa kanila. Hindi marunong, manlait, at magalit. Anghel ngang talaga. Mahinhin. No boyfriend Since Birth kasi Studies Fisrt daw muna. Good girl talaga.

Panganay sa apat na magkakapatid. Friendly sa lahat. Matulungin. Mabait. 

"H-hello, A-A-Amara." Nauutal na sabi ng isang lalaki kay Amara. "P-para sa-sayo." Namumulang sabi niya sabay bigay ng red roses.

Tinitigan siya ni Amara, "Aanhin ko yan?" Walang pake niyang sabi.

Napakamot naman sa ulo ang lalake. "Uh..." Inirapan naman siya ni Amara. "You just wasted my time. Let's go." Sabi niya at nauna na siyang maglakad sinundan naman siya nina Ara at Adella. Humingi naman ng paumanhin si Adella para kay Amara.

Hindi pa man sila nakakalayo ay sumigaw ang lalake, "Amara! Please tanggapin mo tong' bulaklak ko." Sabi niya at tumakbo papalapit kay Amara,"Amara my feelings for you is no joke." May ilan namang estudyante na tumawa sa lalaki. Wrong grammar ka Kuya!

Amara smiled seductively. "I have to tell you something. Listen carefully, okay?" Tumango-tango naman ang lalaki. Lumapit si Amara sa tenga ng lalaki at bumulong, "Bago ka manligaw... mag-aral ka muna ng mabuti ha?" The guy was left speechless. Tinawanan lang siya ni Amara at Ara samantalang naaawang tinititigan naman siya ni Adella.

"Amara, huwag ka namang ganyan." Mahinang sabi ni Adella. "Totoo naman Adella e."  Tumingin naman siya sa lahat ng estudyante, "Kaya kayong mga lalaki, bago kayo magpasikat sa akin mag-aral muna kayo ng mabuti! Hindi pa nga kayo nangangalahati sa standards ko!" Napayuko naman ang mga kalalakihan. 

Pumalakpak naman si Ara, "Show's over.  Now all of you, shoo." Sabi niya at naglakad na silang dalawa papunta sa kanilang classroom. Nilapitan naman ni Adella ang lalaki, "Pasensya ka na kay Amara ha? Ganun talaga yun. Sige, paalam." Sabi niya at sumunod na sa dalawa.

"Grabe talaga! Bakit kaya 3A ang tawag sa kanila? Eh si Adella, lang naman ang Anghel sa kanila." Bulong ng isang lalaki.

"Oo nga. Pero ang ganda parin nilang tatlo." Bulong pa ng isang lalaki.

Ang BatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon