4

29 0 0
                                    

Amara's POV: 

"What did I miss?" Wade asked.

A lot, you moron. Are they his friends? Tss. Mga mahahangin. I looked at Wade, "Seriously, gaano ba kadami ang inihi mo at ang tagal mong naka balik?" Tinawanan naman niya ako. Mukha akong nagbibiro? "Basta." He said and smirked.

Umayos naman ng upo si Wade, "Nga pala mga bro, sila Amara, " He said looking at me. "Ara," He said and looked at Ara. "And, Adella." He said looking at Adella. Ara and Adella both waved at the three of them while I was just staring at them. Ba't ko sila igre-greet? Siniko naman ako ng mahina ni Adella. Pustahan, sasabihin nitong batiin ko yung tatlong ungas. "Batiin mo naman." Bulong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit?"

Tumikhim naman yung isa sa kanila, "Miss, huwag mo nalang pilitin ang kaibigan mo kung AYAW niya kaming batiin." He said putting emphasis on the 'ayaw' part.  

Mabuti at marunong kang makiramdam. 

"Marunong talaga!" Sabi nung isa sabay tingin sa akin. Hala, nakakabasa siya ng isip? "Ay tanga." Sabi niya at nag high-five sila ng apat. Oo, kasali si Wade. Walangya! "Amara, nasasabi mo kasi ng malakas ang iniisip mo." mahinang bulong sa akin ni Adella. 

Ay walanjo! Naningkit naman ang mga mata ko doon sa lalaki. "No wonder, magkaibigan nga talaga kayo ni Wade. As the saying goes, Birds of the same feather, flock together. Tsk." Napatigil naman sila sa pagtawa. "Uy! Akala ko ba magkaibigan na tayo? Para saan pa yang birds of the same chuchu mo?" Takang sabi ni Wade. Tinawanan naman siya ng lalaking kanina pa ako inaasar. "Kaibigan mo yan?" Sabi niya sabay turo sa akin. "Anyare sa taste mong magagandang babae pre?"

Agad naman nag pantig ang mga tenga ko sa aking narinig. So, this... this jerk is calling me ugly?! Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan niya ha! Hindi ako maganda pero hindi din naman ako pangit, average mga te! Hinawakan naman ako ni Ara. "Chill lang, girl. Nakaka wrinkles yan." Chill?! PAANO AKO MAKAKAPAG- Aha! Alam ko na! Ang talino mo talaga, Amara. I smiled victoriously at tumayo. "Walangya ka! Akala ko mahal mo ako, pero ano?! Ano ha ano?! Niloko mo lang pala ako! What the ferk Jose! Minahal kita ng sobra-sobra kahit ang bantot ng pangalan mo! Tas ngayon hindi mo ako pananagutan? Sige, magsama kayo niyang lalake mo! Nandidiri ako sayo! Bakla! Bakla! Bakla!" Sigaw ko habang umiiyak at nag walkout sinundan naman ako nina Ara at Adella leaving the four of them speechless at ang mga tao na nagbubulungan.

"Omg! That was so hilarious!" Tuwang sabi ni Arabella nung nakalabas na kami. "Did you see his face? Priceless!" Sabi ko at tumawa ulit kaming dalawa. Grabe talaga mga tol! Wooooh! Nag-apir naman kami. "He deserves it, he's- i mean, they're so mayabang! Ugh!" Sigaw niya at napasabunot sa buhok niya. Sige, ang tagal niya pa naman natapos mag style sa buhok niya. Lol. "Guys, baka magalit yun sa atin. Mag sorry na tayo." Pamimilit ni Adella sa amin. 

Nakalimutan ko, good girl nga pala tong isa sa amin. Nilingon ko naman si Adella, "Girl, huwag kang matakot. Ako bahala sayo." Sabi ko at nag wink sa kanya. Inakbayan naman ako ni Ara. "Correction, kami ang bahala sayo." She said and nag tawanan kaming tatlo. 

"Pero girls, mali pa rin yun. Napahiya sila." Rason pa ni Adella. "They deserve it." Inis kong sabi. "Pe-" Hindi na natuloy ni Adella ang sasabihin niya dahil tiningnan ko siya gamit ang aking cold stare. Yes, nakakatakot daw kasi akong tumingin pag seryoso. 

"Hali na nga kayo baka mamaya lumabas pa yung mga ungas eh di trouble pa. Tara dali!" Sabi ko at tumakbo na kaming tatlo papalayo sa Starbucks.

- -

 "Bro!" Sigaw ko galing sa 2nd floor. Asan na ba si Kuya? Papahatid sana ako e. Katamad mag commute e. "Bro, asan ka na ba?" Sigaw ko ulit. Bumaba naman ako sa staircase namin. Naging pipi na ba ang nakatatandang kapatid ko? "Bro! Sumagot ka nga!" Sigaw ko. "Ano ba, para naman akong tanga nito." Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit baby sis?" Tanong ni Kuya na kasalukuyang nilalagyan ng gel ang buhok niya habang naka topless. What a disgusting view! Ew! "Nakakasuka." Sabi ko at umarteng nasuka. "Uy! Uy! Anong nakakasuka? Baka yummy! 6-pack abs to oy!" Pagmamalaki niya. Ulol. 6 pack abs daw. Ewan ko sayo! Ngumiti naman ako ng matamis kay Kuya Bro at naglambing sa kanya, "Bro, baka pwede namang magpahatid o? Please!" Sabi ko at nagpuppy eyes. 

Hoy Amara Anastacia Hembrador, para kang timang!  Sabi ng isang parte ng utak ko. 

"Chaka mo lang ako lalambingin, pag may kailangan ka." Nagtatampong sabi ni Kuya Bro at tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa kanya. "Nakakasakit sa heart a. Huhubells." Sabi niya at umarteng umiiyak. Ulol, para kang bakla. Suminghap naman ako, "Nasasaktan pala ang mga playboy? Nakakashock ha." Ginulo naman niya ang buhok ko. "Ali ka na nga! Alam ko namang hinding-hindi ka magpapatalo sakin e." Inis na sabi ni Kuya bro at napasuklay sa buhok niya. "Ka stress ka ate!" Sabi niya at nag hair flip. 

"Bro wag kang ganyan. napaghahalataan!" Sigaw ko sa kanya. "I see your true colors~" pakanta kong sabi at tumawa-tawa habang tumatakbo upang sundan siya.

Nakita ko naman si Kuya Bro na iniintay na ako. "Baby sis, sakay na!" Sigaw ni Kuya Bro at pumasok na sa kotse niya. "Eto na, eto na! May naghahabal sayo? Atat masyado." Sabi ko at tumakbo na at sumakay sa front seat.

Pinaandar na ni Kuya Bro ang kotse at nagsimula nang magdrive. Saya talaga pag meron kang Driver! Nung malapit na kami sa School, may tumawag naman sa phone ni Kuya. "Baby sis, sinong tumatawag?" Tanong ni Kuya habang nagda-drive. I looked at the caller ID. Clement. "Clement, bro." Sagot ko. Napangisi naman si Kuya Bro. Problema nito? "Can you answer his call? Please, baby sis." Sabi ni Kuya Bro at nagpout pa. Kadiri naman! I rolled my eyes. "K." Sinagot ko ang tawag:

"Uy pardz!

Aray naman. Ano ba tingin nito sa akin, bingi? Lakas a. "Hindi po to si Baron, kapatid niya po to. Ano pong kailangan nila?"

"Huwag mo na akong i-po miss. Galang mo naman, nakakaturn on. Joke lang! Pakisabi nalang pala sa Kuya mo na magkikita kami ngayon sa Triton High. Now na, wag nang magpatumpik-tumpik pa boom karakaraka! Ge, paalam!" Sabi nung siraulo at tinapos ang tawag.

Nilingon ko si Kuya Bro, "Kuya, hindi mo sinasabi sa akin nakikipagbarkada ka ni rin pala sa mga taong high?" Tumawa naman siya, "Sira! Ganun lang talaga yung si Clement, palabiro. Oh, ano daw ba sabi?" Sabi niya. "Palabiro, sure kang hindi naka drugs? Masyadong high e. Sabi niya, mag kita daw kayo sa Triton High ngayon." Tumango naman siya.

Napansin ko namang lumampas na kaming School. Putek baka malate ako nito! "Bro! Lumampas na tayong school! Bulag naman nito!" Inis kong sabi. "Chillax ka lang.

Nakarating naman kami sa Triton High. Hindi na ako umimik dahil na bad vibes na ako. Pag ako talaga nalate! Lumabas na si Kuya Bro ng kotse at sumunod naman ako sa kanya ng naka busangot ang mukha. "Pardz!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa aming likod.

Lumingon naman si Kuya Bro, "Pardz!" Sabi niya at pakiramdam ko'y ginawa nila ang kanilang ritwal, the handshakes and all. "Ay, kapatid ko nga pala, si Amara." Sabi niya at lumingon naman ako. "Baby sis, si Clement ang aking pardz."

Parehos naman kaming napanga-nga. What the fudge bar?!

- -

lol. do you find it entertaining? i'm so sorry if it bores you, promise i'll do better the next time. if you have time, please comment nor vote! thanks xx 

Adella's picture on the right side. such a cutie!!! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang BatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon