13th Class

239K 4.6K 1K
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.

* * * * *

Prologue

Isinara ko ang librong binabasa ko at itinapon ito sa katabing basurahan. Wala kasing kwenta. Tsk

Time na at kailangan ko ng bumalik sa classroom.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad pabalik ng classroom pero napatigil ako nang may makita akong babae na sa tingin ko ay umiiyak sa mga oras na ito. Tumingin ako sa oras. Ala-una na ng hapon, bakit siya naandito? Ano kaya ang problema niya? Agad ko naman itong nilapitan.

Maputi siya at nakaputi lamang din siya, may librong nakalapag sa ibaba niya. Natatakluban ang mukha niya ng kanyang mahabang buhok at ng kanyang kamay, makikinig mo ang tuloy-tuloy niyang pag-hikbi.

Tinatanong ko siya kung bakit siya naiyak, ngunit hindi ito nagsasalita. Tuloy pa rin ito sa pag-hikbi. Tatayo na sana ako para umalis ngunit hindi kaya ng konsensya ko na iwan na lamang siya ng ganyan ang kalagayan. Lalaki ako at gusto ko lang magpakagentleman.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko at hinawakan siya sa dalawang palapulsuhan niya upang tanggalin ang kamay sa mukha niya ngunit nagulat ako.

Napakalamig ng kamay niya, pero kahit ganoon pinilit ko pa rin tanggalin ang mga kamay niya hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan.

Naputol ang mga kamay niya, agad ko naman itong nabitawan sa sobrang pagkabigla. Biglang gumalaw ang dalaga at humarap saakin.

D-dugo... Dugo ang luha niya.

Sobrang puti ng mukha niya at ang ilang parte ng mukha niya ay maraming hiwa at sunog ang kalahati ng kanyang mukha, may mga tuyong dugo na rin sa mukha niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko, halos di ko maigalaw ang buong katawan ko.

Parang kilala ko rin siya pero di ko matandaan. Unting-unting umangat ang labi ng dalaga hanggang sa kumurba itong nakangiti na parang baliw. Pero kahit nakangiti na ito, lumuluha pa rin siya ng dugo.

Maya-maya may sinabi ang dalaga, nung una ay hindi ko ito marinig dahil mahina ang pagkakabigkas nito pero habang natagal lumalakas ang pagkakabigkas ng mga salitang ito.

Paulit-ulit niyang binibigkas ang salitang "T-tulong, t-tulungan m-mo ko" hanggang sa gumagapang na ito papalapit sa akin. Hindi ako makakilos. Sinasabi ng utak ko na tumakbo na ngunit hindi sumasangayon ang katawan ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at maya-maya'y sumabog ang buong katawan niya sa akin. Napasigaw ako sa nasaksihan ko. Sigaw lang ako ng sigaw at pilit tinatanggal ang dugong tumalsik sa akin hanggang sa may lumapit na sa akin at tinatayo ako habang sinasabihan ng baliw.

"H-hindi!! Hindi a-ko baliw! M-Maniwala kayo! H-hindi ako baliw! Aaahhh!! Sumabog yung katawan niya sa akin! Aaahhh!! D-dugo... Dugo... aaahh!!" Paulit-ulit kong sabi sakanila ngunit hindi nila ako pinakinggan.

Dinala ako sa clinic ng paaralang ito at may kung anong itinurok sa akin. Unti-unti akong nanghina pero bago ako nawalan ng lakas at malay, naalala ko ang huling sinabi niya sa akin.

"ANG 13th CLASS"

13th Class (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon