Four

80.8K 1.9K 231
                                    

- - - -

Tiffany's POV

Naglakad na ko palabas ng room nila at pumunta na ng room ko.

Sinungaling

Halatang may alam sila tungkol kay Yuna.

Kung ayaw nila sabihin, ako na mismo ang hahanap ng paraan para malaman ang tungkol sakanya. Kung hindi ko malalaman 'yon. Patuloy lang akong guguluhin ni Yuna.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Tamiya.

"Sorry Tiffany" yan lang ang sinabi niya at pumasok na siya ng CR.

Sorry saan? Sa pagsisinungaling nila? Sa hindi pagsabi tungkol kay Yuna? o sa inasta nila kanina?

Maya maya ay lumabas na siya ng CR at nahiga na sa kama. Pumunta na rin ako sa CR para maghalf bath at nag ayos ng aking pantulog.

Pagkatapos ay humiga na ko at sinimulan ang pagtulog ko ngunit kada ipipikit ko ang mga mata ko ay nagfa-flash sa akin ang mukha ni Yuna.

Si Yuna na puro sugat ang katawan. Si Yuna na humihingi ng tulong.

Si Yuna na sunod ang kalahati ng kanyang mukha.

Si Yuna na umiiyak ng dugo.

Bumangon ako sa hinihigaan ko at lumabas ng room. Alas dose na ng gabi. Siguradong tulog na ang lahat.

Maliwanag sa labas dahil sa iilang ilaw na nakabukas pero kung ang lahat ng ito ay nakapatay paniguradong sobrang dilim rito.

Humangin naman ng sobrang lakas.

Malamig

Nakalimutan kong magdala ng jacket. Hindi ko naman alam na ganito kalamig pag gabi.

Naglakad lakad ako at pinagmamasdan ang paligid. Feeling ko may nakasunod sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon lingon ako sa likod pero wala naman akong nakitang tao.

Humangin pa ulit ng malakas. Di ko gusto ang ganito.

Maglalakad na ulit sana ako sa kung saan man nang pagharap ko ay may isang lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Hi?" kung titingnan mo, isa ito sa mga kasamahan nina Georgina. Sa totoo lang, nagulat ako sa presensya niya. Bakit siya nasa labas ng ganitong oras? Tiningnan ko muna siya bago ako nagsimulang maglakad ulit.

"Uh? Tiffany right?" Sabi nito ng nakasunod sa akin. Ano kaya kailangan nito sa akin??

"Oo, may kailangan ka??" sabi ko rito habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Uh. Here, jacket oh. Kanina ka pa nilalamig e simula nung lumabas ka ng dormitory niyo" inabutan ako ng jacket at dun ako napatigil sa paglalakad.

Tiningnan ko ito habang siya ay inaabot sa akin ang jacket "Thanks but no thanks, are you following me?" may pagkairita ang tono ng boses ko. Di ko siya gusto. Halatang may pakay.

"Nah, actually ang weird lang e. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng lumalabas ng ganitong oras" tss. Walang kwenta. Nagsimula na akong maglakad pero nakasunod pa rin siya sa akin.

"Seifer Vince Redfield pala" sabi nito pero hindi ko na lang pinansin. I have no time for a guy like him.

"Ano pala ginagawa mo rito sa labas ng ganitong oras?" bakit ba ang kulit nito? Hindi ba siya makahalata na ayaw ko siyang kausapin??

"None of your business"

"You know what?? I'm starting to like you. You're different from other girls" This time napatigil na ako sa sinabi niya? Like? As in gusto? Aish!

13th Class (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon