......
Ang story na ito ay pawang imahinasyon lang ng author.Ang mga tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa loob ng kwento ay pawang mga kathang isip lamang at hindi totoo.May mga pangyayari na nangyari sa totoong buhay at may mga parti ng story na hindi dapat sa mga batang mambabasa.
.......
Iza's POV
May mga bagay na nagbibigay sa atin ng ligaya sa ating buhay, hindi lamang ang pagkakaroon ng mga kaibigan kundi ang isang kasalaan na pareho kayong nagmamahalan na walang sinuman ang makapag-gigiba ng inyong pinagsamahan.
"Tita sino kaya ang nakalaan sa akin. Hindi naman ako pangit. Maganda naman ang hugis ngkatawan ko. Sadyang hindi lang makita nila ang napakaganda kong mukha...HAY! ito pa rin...walang nanliligaw. ANO BANG WALA SA AKIN NA MERON SILA!!!!"
"Tumiggil ka nga dyan. para kang sirang radio."-Tita Josie
"Eh tita. Ang tagal ko nang naghahanap na may mag-aalay sa akin ng kanilang damdamdamin. Pero gusto ko ng mayaman na boyfriend
at pagnakasal kami hindi na ako mukhang 'di tao. Ayaw mo bang magkaroon ng paumangkin na mas lalong maganda at lalong mayaman tita?"-ang sabi ko habang nakahiga sa sofa.
"Hay, ewan ko sa iyo Isay, 'Wag kang mangarap ng 'di naman nagkakatotoo. Alam mo ba may mga sabi-sabi na ang pangarap ay
mananatiling pangarap. Tignan mo ako nangarap kagaya mo pero ito stock pa rin sa buhay na ito. Akin na ang kamay mo."-Tita Josie
"Para saan po tong P40.00 Tita?"
"Bumili ka ng bigas kila Aling Denden."-Tita
"Ok tita. Sana tita sa daming papables Dyan sa tabi-tab baka may labs at first sight."
"Ikaw talagang bata ka. Dumako ka na baka kainin ka pa ng aso."-tita Josie
"I love, labs you tita"
"Labs you too Isay."-tita Josie
"Dahil labs n'yo ko pahiram ng bike. babye"
"ISAY! MAG-INGAT KA SA DAAN!!"-Tita Josie
"Si Tita talaga kong makasabi parang nasa malayo. Sakit ng tainga ko. Aray!"
"Pasensya na nasanay lang. sige na"-tita Josie
"Sige po tita. Muah Muah chup chup.."
"EWW........."-tita Josie
"Bye po."
......
" tao po, tao po namamasko po. Tao po!"
"Ang aga-aga ang ingay-ingay. Hindi pa naman pasko ah."- Aling Denden
"Magandang araw Aling Denden pabili po ng isang kilong bigas."
" Ikwa talagang bata ka akala ko kung sino ang namamasko. Anong meron sa araw mo na napakasilaw ng mukha mo?"-Aling Denden
"HA? eh.. Alam mo aling Denden malapit ko nang mahanap ang the one ko." nakangiti kong sagot kay aling Denden
"Talaga? Balitaan mo ko kailan ang kasal."-Aling Denden
"Opo naman po. Kayo pa. Malakas kayo sa akin."
"hahaha. Ikaw talagang Bata ka. Sya sige umalis kana malayo pa ang bahay n'yo."-Aling Denden
"Opo Aling Denden, paalam po."
....
"Tita narito na po ako."
"Ok sya sige, pupunta kami dyan ng pamangkin ko Hon mamaya.Bye."-Tita Josie
"TITA! sino po ang kausap ninyo sa cellphone n'yo? Bakit narinig ko na isasama mo ako."
" Ay KABAYONG NAGING PALAKA!"-Tita Josie
" May kabayo po bang naging palaka? Tignan n'yo po ang mukha n'yo sa salamin tita. Bakit namumula? Boyfriend mo noh?"
"Ginulat mo naman ako Isay.H-hindi Ay oo ah."- Tita Josie
"Ano ba talaga tita?"
"Kung boyfriend ko maniniwala ka ba?-tita JOsie
"Oo naman ba't mo naman nasabi iyan?"
"Wala Isay. Oo boyfriend ko. Sana 'di mo ko pagtawanan."-tita Josie
"Hindi po tita. Masaya nga ako na may boyfriend ka na. teka nga Tita ano bang meron at bakit ako kailangang isama mo?"
"Nag-imbita si Jorge sa Birthday party n'ya. Bar ang venue. Gusto mong sumama?-Tita Josie
"Sige po tita basta walang nakakalasing na inumin."
"Ano ka ba. Alam mong sa bar ang venue. Mawawala ba ang mga alak doon?" -Tita Josie
Habang nagsasaing ako napag-isip-isipan ko na tama nga si tita.
"Sige po Tita."
"After we eat Isay, Let's Prepare."-Tita Josie
Hay sobrang saya ko. Matagal na din hindi ako nakakadalo sa mga birthday party. First time to. I can't wait.
-----------
end of POV
BINABASA MO ANG
Marriage by Mistake
Teen FictionSa isang Marriage kailangan ang bawat isa ay parehong nagmamahal. Paano kung ito ay nangdahil sa isang pagkakamali, kakayanin kaya nila ang mga pagsubok na darating? May mahuhulog ba sa kanila?