Parkoy

211 11 2
                                    

"Uy, parkoy!" Tawag sakin ni parkoy, ang bespren ko.

"Oh, parkoy! Ano tuloy ba basketball mamaya?" Tanong ko naman sa kanya. Nandito ko sa may garahe nagbabasketball.

"Oo naman parkoy. 4 vs 4 daw sabi ni Alvin."

"Oh talaga parkoy? Nakikipaglaban nanaman yung mga yun? Kakatalo lang nila kahapon a? Hahaha!" Pagmamayabang ko naman.

"Oo nga e. Mga walang kadalaan." T nagtawanan kami.

"E dota naman tayo pagtapos a. Namiss ko na e." Yaya ko sa kanya.

"Sige ba parkoy. O parkoy alis na ko. Pinapabili pa ko ni ate ng napkin e." -_______-

Hahahaha! Utusan talaga 'tong si parkoy ng mga ate niya palibhasa't nag-iisang lalaki at bunso pa. Kabaligtaran kami, ako lang nag-iisang babae at bunso rin. Kaya naman madali kaming nagkasundo.

"O sige parkoy! Babay!" At nagapir magbespren kami.

Pinaikot ko sa daliri ko ang bola at pasipul-sipol pang papasok ng bahay ng biglang may damuhong tumawag sakin.

"Hoy, Janayna Czen Torres!!!" Tawag sakin ng damuhong si Alvin. Manliligaw ko raw sabi niya. Pero hoy ha! Mandiri po! Sya lang nagsabi nun, aba! Aba! Yaaak talagaaa!

"BWISIT KA MICO ALVIN ANGELA CRUZ!" Sigaw ko naman.

"AHAHAHA! Ang cute mo talaga Janayna! Kaya naman lab na lab kita e" *flying kiss* At ang walanghiya tinawag pa ko sa nakakadiri kong pangalan. -___-

"Bwisit ka! Ano bang kailangan mo?" At binato ko sa kanya ang hawak kong bola na nasalo naman ng mokong.

"Wala naman namiss lang talaga kita!" *wink*

"O talaga?" At lumapit ako sa kanya. Halatang nagulat siya dahil ngayon lang ako lumapit sa kanya. Nilapit ko yung mukha ko sa leeg niya at hinipan ito at kinalibutan ang loko.

Nang biglang...

*Aaaarppp*

"WAAAAAAAAAAAH! ARAAAAAAY!" Sigaw niya.

"HAHAHAHAHA! BLEEEEH!"

At tumakbo na ko sa pintuan at binalibag ito.

My Girlfriend is a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon