Janayna's Halloween Feast

40 0 0
                                    

"Ambilis ng panahon, parkoy!" sabi ni Allen, ang parkoy ko.

"Oo nga e. Biruin mo, halloween na tas magbibirthday na tayo! Tas christmas na!" :)

"Tapos bagong taon, Valentine's day, tas graduation na! Sana parehas tayo ng school sa College." Sabi ni parkoy.

"Bakit? Balak mo ba kong iwanan?" Pagdadrama ko kunwari.

"Syempre hindi no!! So ano ng plano natin sa Halloween feast sa school sa Oct. 31?"

"ABA! Dapat lang...":) Nangingiti kong sabi.

"...ganto nga yan." At pinag-usapan namin ang magaganap sa Oct. 31. Bilang President at Vice President kami ay dapat kami mag-asikaso nun. Syempre with the help of other officers and our adviser.

Halloween Feast...

"Baa!" Panggugulat ko sa mga papasok sa room!

"WAAAAAAH!" Studyante 1

Dito ang Ghost Zone. Lahat ng multo ay nandito. White Lady ang ginagampanan ko! Palibhasa ay mahaba ang buhok ko at itim na itim na akala mo ay nakarebond. Pero gerl, rejoice lang yan. XD

At eto ko kasalukuyang nanakot sa mga Grade7 na juice colored ay takot na takot naman. :D

Pagpasok sa room ay may dadaanan silang mga maze na makakasalubong nila ang mga multo. Di sila makakaalis hangga't 'di nila nasasagutan ang mga tanong na nakalaan sa bawat maze. May 10 mazes lang naman.

If 'di nila masagot ang tanong ay may karampatang parusa like for example, mabubuhusan sila ng tubig, kakain ng 10 sili, magpupush-up ng 10, at kung anu-ano pang kalokohan.

If nasagot naman nila ang mga multo ang mapaparusahan. HAHAHA!

Buti na lang at sa pinto lang ako nanggugulat at 'di ako ang nakaassign sa maze syempre ako gumawa e. HAHAHA!

Si Alvin, ang isa sa mga multo sa maze. HAHAHA!

Syempre may mapapala sila. Plus 2 na sa card e, plus 10 pa sa quiz. :) Kasi ang mga tanong ay related sa school. :) At paglabas ng mga mazes ay may t-shirt sila galing samin.

Sa ibang room naman ay kanya-kanyang gimik. Iba't-iba ang pakulo. Ang kanya-kanya nilang president ang nag-isip pero syempre kelangan muna naming aprubahan.

Sa Hotel building naman nagbabantay si Parkoy. Bampira naman siya. Bampira rin ang mga papasok sa hotel. Dahil dun sila umiinom ng dugo. Syempre Jeng Juice na apple lang yun. HAHAHA!  At may banda at sumasayaw din! Vampire Hotel yun.

May best in costume rin. At Mr. And Ms. Kilabot 2014 na pageant. ;) Yung mga creepy talaga ang itsura. Na kahit walang make-up ay creepy talaga. XD Joke lang.

May salu-salo rin sa field. Lahat kaming istudyante ay kakain sabay-sabay.

May mahabang mesa sa field. :) Ansaya lang. Mukha kaming mga kaluluwang nagsama-sama. Hahaha!

6 o'clock na kaya't dinner time na.

Mamaya naman magaganap ang pageant bandang 8:00. Anyway, nasabi ko na bang 5:00pm-5:00am ang event na'to?

"Waaaa! Ansaya naman ng Halloween party na to!" Girl

"Oo nga e! Ang galing talaga ni Janayna!" Boy

"So may gusto kana sa kanya!" Girl

"Eto naman si Babe! Selos agad!" Boy

E? So pinag-awayan pa ko. Ganda ko. :P

Natapos kaming kumain at umpisa na ng pageant.

8:00 pm...

My Girlfriend is a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon