Aries Allen Arnes

66 6 2
                                    


"Parkoy! Sorry naa! Sorry na talaga!" Pangungulit ko sa kanya. Kanina pa ko ganyan ng ganyan pero di pa rin niya ako pinapansin. Di ako sanay. Huhu! :(

"Parkoy naman e. Sige na o. Sorry na. Pleaaaase! Pasensya naaa! Di ko na gagawin yun!" Tinusok-tusok ko naman siya sa tagiliran pero waepek pa rin. Nakakaiyak naaaa! Ambakla, oo. Pero di ko kayang galit sakin parkoy ko!:(

"Binigay ko lang naman number mo kay Alvin kasi ibibigay daw niya yung number nung chickabeb niyang pinsan." Biglang sumigla ako ng maalala ko yung chickabeb na pinsan nung damuhong yun.

*flashback*

"Wooooooy, chicks!" *_____* Kuminang ang mata ko ng makita ko yung babaeng nasa facebook ni Alvin at kachat. Nagdodota kasi kami ng huminto ang loko at ayun natalo kami kaya pinagbabatukan ko. Yun pala may kachat na chickabeb.

"Boy! Sino yaaaan!?" Tanong ko at agad nagbukas ng facebook. At inadd ko na ang chickabeb.

"Gf ko!"

*batok*

"Gaguuuu ka a! Kala ko ba nililigawan mo parkoy ko!" Aba. May balak pa palang itwo-time ang parkoy ko.

"Hahahaha! Pinsan ko boy!"

Nagulat naman ako dahil... ang layo. Ampanget ni Alvin at mukang anghel yung pinsan niya. Hahaha!

"Penge number niya!"

"Penge number ni Janayna!"

"Call!" Agad kong nasabi yun ng di man lang nag-iisip. At nagbigayan nga kami ng number.

*end*

"Parkoy spaghetti oh!" Sabi ko ng niloloko siya. Pero waepek talaga. Di naman siya ganun pag sinabi kong spaghetti, titingin agad yun. Galit nga talaga siya. :(

Nagulat na lang ako ng biglang umalis ang parkoy. :( Hirap pa naman amuhin nun.

Nagtype na lang ako sa cp ko.

"Hi! Can you be my textmate?"

*message sent*

5 minuto ang nakalipas...

*bzzzzt bzzzzt*

From: Chickabeb Angelie <3

"Who's this?"

WOOOOOAAAAAH! Napasigaw ako kasi nagreply siya! Akala ko iisnabin niya ko! Muahahahaha!

Harthart. Tururuuuu! :D Magkakalablayp na ko sa wakas. At nagtype na ko para masimulan ko na ang lovestory ko.

"Ako nga pala si Aries Allen Arnes. You can call me Aries. And you are?"

"Ow, where did you get my number? I'm shock. No one except my relatives knows my number."

Aray. English spokening pala itong si Angelie. Habang nagtatype ako ay may nararamdaman akong natulo na dugo sa kamay at sa cp ko. Ramdam kong galing sa ilong ko. Joke lang. Hahaha!

"Ahmmm... Si Alvin. Pwede ba tayo maging friends?"

3 minuto ang nakalipas...
7 minuto...
30 minuto...
1 oras...

At di na nga nagreply ang Angelie ko. </3 Di man lang siya nagpakilala. Tssk.

My Girlfriend is a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon