------------------------------------------------------------
"HOY! Reinalyn! Baka gusto mo ng bumangon diyan?! Aba! First day mo ngayon!" malakas na sigaw sakin ni mama. Hindi ko naman siya pinansin at nagtakip lang ako ng unan sa mukha ko at pumikit ulit pero dahil naistorbo na ang tulog ko, hindi na din ako ulit nakatulog kaya pinagpasiyahan ko na lang na tumayo at maligo na...
"Ma? Third year na ko! Wala pa din bang dagdag ang allowance ko?!" nilahad ko pa sakaniya ang palad ko pero tinapik lang iyon ni mama.
"Gusto mo bawas??!” Tiyaka niya ko tinalikuran para ituloy ang pagwawalis sa bakuran. Napa-pout na lang ako at tumalikod sabay labas sa gate namin.
Kainis! Wala na namang dagdag ang allowance ko! Maglalakad na naman tuloy ako papuntang school! Nagbabackride naman ako minsan sa tricycle lalo na pag late na ko pero dahil CORY ako as in kuripot, madalas pa din akong maglakad at magtiis pagpawisan. Bakit ba?! Excercise na din yun no!
Ewan ko ba kung bakit ako nagrereklamo? Ehh third year high school na ako at halos magtatatlong na taon na kong naglalakad papuntang school, hindi pa din ba ako masanay-sanay? Sa totoo lang walking distance lang naman talaga ang school namin mula sa bahay, medyo malayo, medyo malapit. Pwede din magtricycle kung tamad ka or nagmamadali. Ahh! Basta! Yun na yun! Wag niyo ng itanong ng by numbers dahil hindi ko alam! Hmmp!
Sakto naman pagdating ko sa susunod na kanto, biglang may nahagip ang mga mata ko. May lumabas doon na tricycle at ang sakay nun sa likod ay schoolmate ko na lalaki, nalaman ko dahil sa suot niyang uniform. OHMYGOSH! Why so pogi ni kuya?! HALA! Sino kaya yun?! Parang bago ehh? Di kaya freshman? Psssh! Wag na uy! Hindi ko naman na yun inisip at binilisan ko na lang ang paglalakad ko para hindi naman ako ma-late sa Flag Ceremony.
Habang nakapila naman ako at nagpapanatang makabayan. Feeling ko parang may nakatingin sakin... Tokwa! Sino ba yun?! Pasimple naman akong tumingin-tingin sa paligid dahil baka mahuli ako ng mga officer, pero wala naman akong makita... Lahat sila busy lang na nakatingin sa stage. Baka guni-guni ko lang? Yaan mo na nga!
--------------------------------------------------------
Isang umaga pakanta-kanta lang ako habang naglalakad o kaya naman nirereview ko sa utak ko yung mga lessons namin nang magulat na lang ako nang biglang may humintong tricycle sa tabi ko...
"Ne! Tara! Sabay ka na!" masaya at nakangiting sabi sakin ni manong driver. Kumunot naman ang noo ko... Teka? Bakit niya ko isasabay?! Nakupo! Baka rapist to ha!
BINABASA MO ANG
Libreng Sakay?! (One Shot)
Short StoryNang dahil sa 'Libreng Sakay' natuto akong sumakay sa libreng agos ng buhay pag-ibig... Na ang tanging naging kapalit ay buo kong puso... Pero makasama kaya ako sa Libreng Sakay ng byaheng FOREVER?