After 10 years...
Isa na akong professional chef sa isang 5-star hotel at nagsisimula na kong magtayo ng sarili kong restaurant... Masasabi kong kuntento na ko sa career ko ngayon... Pero simula noon hanggang ngayon... May naiwang malaking tanong pa din sa puso ko... Dahil hanggang ngayon may hinahanap pa din ako sa bawat tricycle na nakikita ko sa lugar namin...
Hanggang sa isang araw pauwi na ko galing sa dati kong kaibigan and classmate nung highschool nang mapahinto ako sa may kanto ng second street dahil may biglang humintong tricycle sa tabi ko...
“Ineng? Sakay ka na!” sabi ni manong driver sakin habang nakangiti ng maluwag. Déjà vu??? Pero baka naman rapist si manong? Wag na uy! Mahal ko buhay ko!
“Wag na po! Malapit na lang naman po yung bahay ko ehh...”
“Hahatid na kita ineng... Don worry! Its pree!” try-hard ang engrish ni manong? Hala!
“Ha? Ano po yun?”
“Ay nako! Pasensya ka na ineng! Nahawa kasi ako dun sa mga kausap ko kanina! Narinig ko kasi silang naguusap at puro english! Haha! Tara na, wag kang mag-alala! Libreng sakay to...” Para naman akong nabudol-budol gang at kahit alanganin ako sumakay pa din ako sa tricycle ni manong... Mukha naman kasi siyang mapagkakatiwalaan... Tiyaka para kasing may nagtutulak saking sumakay na lang at magpahatid.
Maya-maya lang umaandar na kami pero imbis na deretso papunta sa bahay namin, biglang lumiko si manong... Pero imbis na kabahan ako parang kalmado lang akong naghihintay kung saan ako dadalhin ng libreng sakay na to...
Hanggang sa dumating kami sa dati kong school noong highschool... Paano to nalaman ni manong?
Pero magtatanong pa lang sana ako, nagmamadali nang humarurot yung tricycle paalis... Wala naman na akong nagawa kundi kainin na lang ang alikabok na gawa ng tricycle ni manong. Tsss! Pero ang mas ikinagulat ko nang abutan ako ni manong guard ng boquet of roses...
Shemaaay! Sekyu ang admirer ko??! Ngumiti na lang ako sakaniya at inakay niya naman ako papasok sa loob... Hanggang sa makarating kami sa loob ng isang room...
“Ahmmm? Thank you po sa surprise... Pero kasi ano? May iba na kong mahal... Sorry po talaga!” ayoko man saktan si kuya sekyu, hindi ko naman siya gusto at ngayon lang kami nagkita noh! Pero bongga na agad ang surprise niya ha? Kaso nagtaka naman ako ng tumawa siya bigla...
“Ineng... Hindi ako ang may gawa niyan. Tiyaka may asawa’t anak na ko. Hahaha!”
BINABASA MO ANG
Libreng Sakay?! (One Shot)
Short StoryNang dahil sa 'Libreng Sakay' natuto akong sumakay sa libreng agos ng buhay pag-ibig... Na ang tanging naging kapalit ay buo kong puso... Pero makasama kaya ako sa Libreng Sakay ng byaheng FOREVER?