Nagtungo na kami sa rooftop dala ang mga hinanda namin pagkain at kagamitan sa pagluluto. We asked for Tita Lera's permission na gamitin ang rooftop at pumayag naman siya.
Mugtong-mugto pa rin ang aking panga at hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina sa mall. How could they? May gana pa talaga silang magtungo sa public place? Nakakadiri si Daddy! Nakakadiri sila!
"Maayos na ba ang lahat?" I asked Ethan.
"Yep, I think this is okay," ani Ethan matapos ayusin ang upuan at lamesa. "Mukhang hindi uulan. Mabuti naman. Makikita natin nang mabuti ang mga bituin sa langit."
Tumango ako at napangiti. Before we went here, naghanda muna kami. Ako ang nagluto ng fries at siya naman sa iba. I also cooked a spaghetti for Ethan.
Gusto ko tuloy uminom para malimutan ko ang nakita ko kanina. Seeing my Dad with his young mistress, gusto kong masuka. Hindi ko lubos akalain na magawa niyang magpakasaya sa iba habang kami ay na-stuck pa rin sa nakaraan. Ngunit huwag siyang mag-alala, wala na rin naman siyang babalikan. The moment he chose his mistress over me and my mom, wala ng chance pa. Kaya wala siyang karapatang mag-request na makipagkita sa akin.
Nang natapos na kami sa pag-aayos, sabay kaming naupo sa upuan na magkatabi. Ngumiti ako sa kaya at binigyan siya ng beer-in-can.
"You sure want to drink, huh?" Tinanggap niya ang beer.
Nagbaba ako ng tingin at mahinang natawa. "Kailangan ko ito ngayon." Binuksan ko ang beer. "Gusto kong makalimot."
Nagtagal ang kanyang tingin sa akin kaya ilang ko siyang binalingan. Nanatili ang kanyang mata sa akin na ngayon ay mapungay na. Halos hindi ko na mainom ang beer ko dahil sa pagtitig niya.
"B-Bakit? M-May dumi ba sa akin?"
Umiling siya. "I'm sorry. Wala pa ako sa iyo no'ng panahong iyon." At binuksan niya ang beer at tumungga.
Natawa muli ako. "Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan." Ngumuso ako at saka uminom na rin sa hawak ko na beer. "At saka... kung hindi dahil sa iyo, baka kung ano na ang nangyari sa akin sa mall na iyon. You know, I am having a hard time controlling myself. Baka nasabunot ko na ang babaeng iyon. Kaya salamat, Ethan."
Nagkatinginan kaming dalawa at doon, ramdam ko ang pagtalbog ng puso ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Para kasi akong hinihigop ng kanyang titig. Tumikhim ako at saka tumingala sa kalangitan.
"Ethan, tingnan mo!" Tinuro ko ang kalangitan. "Ang daming mga bituin sa langit! Ang ganda, hindi ba?"
Binalingan ko siya matapos itanong iyon ngunit natigilan na lang ako nang imbes sagot ang matatanggap ko sa kanya, titig niya ang nanaig. Parang ako lang ang nakikita niya sa mga titig niya. Parang ako lang ang babaeng para sa kanya.
"Ethan, may problema ba?" Naitanong ko na lang upang iwala sa isipan ko ang pagiging assumera sa mga titig niya. "Natatae ka ba?"
Sinubukan kong tumawa upang mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Mahina akong napasinghap nang bigla niya akong akbayan at inilapit niya ang kanyang sarili sa akin. "You know that you're loud when you get drunk, right?" Niliitan niya ako ng mata. "And you can't even remember when you're drunk."
Bumaba ang kanyang mga tingin sa aking labi kaya napalunok ako. "E-Ethan..."
"You know I hate loud girls but you're an exception," he said and smirked.
Napakurapkurap ako at umiwas ng tingin sa kanya. "A-Alam ko iyon." Tumawa myli ako. "Lumayo ka nga ng kaunti sa akin!"
Ngunit tuluyan nang nabaliw ang aking puso nang hawakan niya ang baba ko at pinaharap niya ako sa kanya. Hindi pa man ako gano'n kahanda, siniil na niya agad ako ng halik sa labi.
At dahil gusto ko at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa, humawak ako sa balikat niya, pumikit at humalik pabalik. Ilang segundo rin ang halik na iyon bago niya inilayo ang sarili sa akin at pinagtagpo niya ang aming noo habang hinihingal.
"Puwede mong sabihin sa akin ang lahat ng hinanakit mo, Sarah Jade. Huwag mong solohin. Dahil sa oras na pumasok na ako sa buhay mo, your problem is my problem. Your heartache is my heartache. So share your burden with me."
Nanubig ang mata ko at paulit na tumango-tango. Pareho kaming natawa at nang lumayo na siya sa akin, mahina akong napasinghap at sabay kaming tumingala sa kalangitan.
"After my work, I will take a leave para may oras pa tayo sa isa't isa. This is not enough, Sarah." Bumuntonghininga siya. "And besides, gusto kang makilala ni Mommy. Sa katunayan, she's making fun nang malaman niyang anim na beses akong nabasted sa iisang babae."
He chuckled.
Nakaramdam ako ng kaunting guilt sa puso ko sa huling sinabi niya. Ilang beses ko siyang tinaboy noon nang nanligaw siya sa akin dahil natatakot ako. I was also uncomfortable with him. Pero iba na ngayon, binuksan ko na ang pinto ng puso ko para kay Ethan.
"Sorry..." Yumuko ako.
"Tsk. Why are you saying sorry?" Sinilip niya ako at namilog ang mata ko nang muntik na niya akong halikan ulit. "May karapatan ka namang bastedin ako.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at nakinig lang sa kanya
"Chasing you is challenging but worth it. You are worth chasing for even though at first, akala ko ay imposible, just like stars, even if you're chasing it, it's imposible to reach it. You're an unreachable star, Sarah."
Napangiwi ako. "Palagi mo na lang akong inihahambing sa star! Tell me, fan ka ba ng star margarine?"
He laughed. "Sorry, I can't help it."
Bumuntonghininga ako at tumayo para magtungo sa lamesa na medyo malayo sa puwesto namin. "Kumain na nga lang tayo! Sayang ang niluto natin!"
Kumuha na ako ng fries at sinandukan ng spaghetti si Ethan. Habang ginagawa ko iyon, naalala ko muli ang halikan kami kanina. It was short but hot. Iyon ang unang beses na nagustuhan ko ang halik niya.
Mike Ethan is also unreachable. Kung iyon ang tingin niya sa akin, gano'n din ako sa kanya. Who would have thought na ako pala ang kababaliwan niya? Sa dami ng babae, ako pa. At isa pa, he has it all. The wealth, the personality, the body, the brain, and the face. Kaya sino ang hindi bibigay sa kanya kung halos na sa kanya ang lahat?
I want to say yes to him. Pero mas mahalaga pa rin ang mas kilalanin siya bago ko siya tuluyang maging akin at ako rin sa kanya.
"Ethan," tawag ko sa kanya.
Nag-angat siya sa akin. "Why?"
Ngumuso ako. "Open your mouth."
Kumunot ang noo niya pero sinunod niya naman ang sinabi ko. Nang binuka niya ang kanyang bibig, sinubuan ko siya ng spaghetti na nasa tinidor sabay ngiti sa kanya nang malaki.
"Kain na tayo, Ethan."